Chase 16

60 0 0
                                    

"Rhoa, hindi ka ba nagtataka kung bakit nagiging abong ginto ang mga nahahawakan mong bulaklak?" Kanina ko pang pinagmamassan ang paligid. Hindi ito nakakasawa.

"Yun nga po ang kanina ko pang iniisip.." malungkot kong sabi.

Lahat nga ng bulaklak na nakikita ko dito ay burgeoned flower pero nagiging abo naman kapag nahahawakan ko. Useless din.

"Uh...Zelen, paano ako makakalais dito? Siguro hinahanap na ako nina mama.." nagaalala kong tanong.

Ilang oras na kaya ako dito.

"Tatlong araw ka nang nandidito pero hindi ka pa rin naglalaho. Kamangha-mangha diba?" Tatlong araw!?

Natigilan ako sa sinabi nya. Maglalaho na ako. Yung kasunduan namin ni Solen! Ang pamilya ko!

"Huwag kang magalala. Habang nandidito ka ay nakatigil ang oras sa demensyon nyo." Agad nawala ang kabang nararamdaman ko.

Woh! Buti na lang.

Dito na lang kaya ako? Babalik na lang ako kapag nakaisip na ako ng magandang plano? Joke lang hehehe.

"Uhm... Zelen, matutulungan mo ba ako sa problema ko?" Sabi ko habang nakatingin pa din sa magandang tanawin.

"tungkol ba ito sa kasunduan?" Magiliw nitong sabi.

Tumango ako bilang sagot.

Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. Matiim itong nakatingin sa akin habang masuyong nakangiti.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, tatlong araw lamang ang binigay sakin."

Masuyo nyang hinawakan ang kamay ko at dinala iyon sa aking dibdib kung saan naroroon ang puso.

"Matagal mo nang nahanap ang kailangan mo."

Napatingin ako sa dibdib ko nang unti-unti na akong naglalaho.

"Your heart is what you need, Rhoa."

Nakabalik na ako sa demensyon namin. Hindi na natuloy ang balak kong pagbabanyo dahil umurong na ang ihi ko.

Anong ibig mong sabihin Zelen? Ang puso ko?

"akala ko ba iihi ka bakit ang bilis mo?" Si mama.

"Ang daming tao."

Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Zelen, imbis tuloy na ang pamilya lang ang isipin ko dumagdag pa yon.

Andaming katanungan ang tumatakbo sa isip ko. Bakit ako napunta sa demensyong iyon? Bakit naglalaho ang mga bulaklak na nahahawakan ko doon? Kung alin pa yung kailangan ko. Tsk!

Ang daming bakit na walang kasagutan!

Ang dami ko na ngang iniisip.

...

Dalawang araw na lang ang natitira sa akin.

And I'll spend it with my friends!

"Nasaan na ba kayo?! Kanina pa akong naghihintay dito nakakangalay ah!" Kausap ko sa phone si Jammy.

Ang tagal nila! Ang usapan 8 ang kitaan anong oras na? Mahigit isang oras na akong naghihintay dito wala pa rin sila.

"Hinihintay pa namin si Galum, on the way na daw.."

"Wag nyo nang hintayin, sabihin nyo sumunod na lan----

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon