Chase 19

27 0 0
                                    


Rhoa


"A-ako na lang siguro sa baba, dito ka na lang sa kama..." Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa takot na baka makita nya ang pamumula ko.

After our emotional  time kanina na nakakahiya, we decided to go back to our cottage. Bukod sa malamig na sa labas ay awkward na din...

Para bang bigla kaming natauhan nung kumalma na ako mula sa kaartehan ko.

Gosh! I can't believe I cried in front of him! Its so embarrassing! Hindi kami close pero nagdrama ako sa harap nya kanina.  Siguro pinagtatawanan nya na ako kanina pa...

"No. tabi na lang tayo." 

Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya.

Him and... me? Tabi sa k-kama?

Biglang pumasok sa utak ko ang mga napanood na romantic movies kung saan kapag nagkakasama sa iisang kama ang babae at lalaki ay...

Marahas akong umiling para alisin ang mga bagay-bagay na hindi naaangkop sa sitwasyon namin ngayon.

Humiga na sya sa kanang bahagi ng kama and face the other side.

"O-ok.... Maluwag naman ang kama." Pigil ko ang hininga ko habang patungo sa kama.

Pakiramdam ko ay sobrang layo ng higaan dahil sa tagal kong makalapit doon. Bago mahiga ay nilagay ko sa pagitan namin ang unan ko. Ok lang kahit wala akong unan ang mahalaga ay may boundary kami diba?

Nang tuluyan na akong makahiga ay tumalikod din ako sa kanya at ipinikit ang mata.

Hindi pa yata tumatagal ng isang oras ay hindi pa rin ako nakakatulog. Tumingin ako sa wall clock at nakitang 11:53 na. I need to sleep.

Ipipikit ko na sana ulit ang mga mata ko ng maramdaman kong umalis sa kinahihigaan nya si Alleid para mag banyo...

Bumangon din ako para kunin ang phone ko sa bag. Nang makitang 22% nalang ay kinuha ko na din ang charger.

Nag-send ako ng message kay Lary kung gising pa ba sya. I wait for her reply but it didn't come.

I also noticed na nagtagal na sa banyo si Allleid. Maybe lumabas sya?

Bumangon ako at pumunta sa banyo pero wala sya don, so lumabas nga sya.

Lalabas na din sana ako ng saktong magbukas ang pinto bago ko pa man mahawakan ang doorknob at bumungad sakin ang gwapong mukha ni Alleid. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita sya.

Say what?! Really, what is happening to my body? Why it is responding to him? Hindi naman ako ganito sa kanya dati ah?

"Can't sleep too?"

Wait? Did I just  say he is handsome?! Well it's true naman---here we go again Rhoa! What is wrong with me?! Why am I feeling this way?! 

"Uhmm.... are you really awake?"

Hindi naman gwapo tingin ko sa kanya noon diba? I just look at him and there's nothing? Right?

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon