Chase 18

59 1 0
                                    

Rhoa

"Nasaan na ang mga gamit mo?" Inip na tanong ni Mij kay Lary.

Nakaupo pa rin ito sa kinauupuan nito kanina, nagmamaktol.

"Ayoko! Mag-papabook na lang ako ng sarili kong cottage!" Padabog itong tumayo sa pagkakaupo at akmang aalis na ng mag salita si Giyoon.

"Wala ng cottage."

Naiinis na kinuha ni Lary ang bag nya at mabigat ang paang naglakad patungo sa cottage nila.

"Rhoa ako na sa mga gamit mo..." Napalingon ako kay Alleid na naka lahad ang kamay, hinihintay na ibigay ko ang aking bag.

Ibinigay ko naman agad dahil medyo napadami ang nadala kong gamit.

"Bato ba laman ng bag mo? bakit ang bigat?" Medyo natatawa nyang tanong.

Masama ko syang tiningnan habang sya ay nagpapanggap na hindi mabuhat ang bag ko.

"Bakla ka yata kanina ko pa yang buhat tapos ikaw kakabigay ko lang sayo nabibigatan kana agad?" Lumapit ako sa kanya para kuhanin ang bag ko.

Nakakahiya naman sa kanya...

Nilayo nya sakin kaya lumapit pa ako para makuha ito sa kanya pero mas nilayo nya pa lalo. Humawak ako sa balikat nya para mas makuha ko ang bag kong nasa likod nya.

"Akina na kase! Mabigat diba! Ibigay mo!" Now I'm pissed.

Hindi sya nagsalita kaya tumingin ako sa kanya. Bigla naman akong natigilan ng ma-realize kung gaano kalapit ang katawan namin sa isa't-isa.

I feel like the world just stop. Staring into his eyes feels like staring to the galaxy. His deep brown orbs that's wondering my face stopped into my eyes.

He's looking at me with pure admiration, I think?

"Hindi pa ba kayo pupunta sa cottage nyo? Dumidilim na..." Nabalik ako sa realidad dahil sa tanong ni Ate Mitchell.

Agad kong kinuha ang bag ko kay Alleid na nasa likod nya pa rin. he's still staring at ma. Nawala lang ng kinuha ko ang bag mula sa kamay nya.

Hindi na ako nagsalita pa at nag lakad na patungo sa cottage namin. I can feel my face heating as I walk towards our cottage. Thinking that he is just behind me make me feel more uncomfortable.

Mas binilisan ko ang lakad ko na halos takbo na din.

"Hey dahan-dahan..." Gosh! Jan ka nalang sa likod... hindi ako lampa!

May galit yata sakin ang tadhana ngayon at bigla na lang akong nadulas. Mabilis naman akong nahawakan ni Alleid sa bewang ko bilang suporta.

His face is inch close from me. I can feel his breathe hitting my face. Once again we stare to each other, but I was quick to avoid his gazes. I don't want him to see me blushing. It's kinda embarrassing.

Kumawala ako sa pagkakahawak nya at walang salitang nag patuloy sa paglalakad. Ngayon ay mas maingat na dahil ayoko ng maulit ang titigang iyon.

Meron akong naaalala tuwing nagkakatitigan kami. I can still clearly remember how he casually said that he likes me. I'm not even sure if that was true because he is drunk at that time but still.... its pestering me!

Pakiramdam ko ay yun na yung pinakamahabang oras na naglakad ako na kahit sa totoo lang ay ilang minuto lamang iyon.

Nang makapasook ako sa cottage ay agad akong naghanap ng sofa para doon na lang sako matutulog. Pero wala. Isang king-size bed lamang ang meron at sa dulo noon ay merong maliit na sofa na kasing lapad ng kama. May lamp sa magkabilang side. Sa kanan ay may maliit na closet. Meron itong sariling banyo.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon