Chase 17

135 1 0
                                    


"Mij ako na jan... maligo ka na doon." Inagaw ni Jin mula sa kanya ang hawak na pamaypay. Gutom na yata to eh. Kakarating lang namin ay sinimulan agad ihawin ang mga karneng dala namin...

"Rhoa magpalit ka din kaya? pinagtitinginan ka eh... baka mabastos ka nanaman.." Bakit pati ako pagpapalitin nya? Tsk!

Nung malaman nilang nabastos ako kanina, sinugod lang naman nila yung lalaking nambastos tapos binugbog. Well that's what he gets for harassing me.

"Tsk! sabi---"

"Oo na magpapalit na..." Hindi na sya umalma pa at umalis na para magpalit. 

Hindi pa ako naliligo dahil hindi ko pa trip. Saka sobrang init pa. mamaya na siguro kapag pahapon na.

Pinanood ko na lang sina Galum, Hyunt at Alleid na nagtutulakan sa pool.

And yup, si Alleid. Mabilis nilang naka-gaanan ng loob ito ewan ko kung paano basta parang ang tagal na nilang magkakakilala kung mag kulitan daig pa ang tatlong taong gulang.

Matapos magpalit ni Mij ay bigla na lang itong tumalon sa pool kaya naman tumalsik ang tubig sa mukha nila Galum, Hyunt at Alleid.

Sya tuloy ang naging puntirya ng tatlo at winisikan ng tubig nang makaahon ito.

"Rhoa mamaya na yan! Maligo ka na dito!" sigaw sa akin ni Galum.

Natawa naman ako sa pinag-gagagawa nila.

Ngayon naman ay buhat-buhat naman nila mula sa recliner si Giyoon na walang kamalay-malay. Hawak ni Mij at Galum ang magkabilang paa nito habang sina Alleid at Hyunt naman ang sa mga kamay nito.

Mga sira-ulo!

Imbis na mainis ay ay tumawa na lang si Giyoon. 

Sunod naman nilang naging puntirya ay si Jammy na nagce-cellphone. Nang makita ang apat na papalapit sa kanya ay dali-dali nyang binaba ang phone nya at sya na ang kusang lumusong sa pool.

Pftt! Mga baliw.

Tumayo ako sa kinauupuan at inilapag doon ang sarong na suot.

I  change my mind. Maybe join them with their craziness? We're here to have fun and enjoy the rest of the day.

"Jin mamaya na yan tara na doon.." 

"Mauna ka na doon, aahunin ko lang tong karne baka masunog eh,"

"Sige dapat masarap yan ha?" hindi ko na hinintay ang sagot nya at patakbo nang nagdive sa pool.

Hindi ako napansin  ng anim dahil busy pa din sila sa pagha-harutan.

Lumangoy ako patungo sa paa ni Galum at mahinang hinigit yun.

Agad akong umahon para makita ang reaksyon nya.

As expected! Napasigaw sya! hahahaha!

Nang makita nya akong tumatawa sa likuran nya ay sinamaan nya ako ng tingin.

"Bro para kang bakla kanina hahaha!" Si Mij. Ang lakas talaga mang-asar nitong isang to...

"Hahaha! Nice one Rhoa!" Si Hyunt. Ang katabi naman nitong si Alleid ay tawa lang ng tawa.

Proud akong ngumiti sakanila habang nakataas pa ang mga kamay . Nagmamayabang.

Sinamaan ako ng tingin ni Galum. Mabilis itong lumangoy patungo sakin kaya namna mabilis din akong lumangoy palayo.

He will never catch me. I'm an athlete. I swim at our school.

Pero hindi lang pala si Galum ang humahabol sa akin. Lahat sila ay gusto na akong hulihin. Mga traydor!

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon