Chase 2

988 9 3
                                    

Rhoa

"Rhoa! Ano ba?! Concentrate!" Sigaw sa akin ni Mij.

"S-sorry.." kagat-labing sabi ko.

"Siguro magpahinga muna tayo sa pag-papractice, or si Enna na lang ang partner ko, mukhang nakalimutan mo ang mga steps.." naiiling na sabi nya.

"Just give me time to recall all the steps, three days pa naman before ang event." Sagot ko na lang.

Pumunta ako sa gamit ko at nagpunas ng pawis, iinom sana ako ng tubig pero wala na pala itong laman.

"You can drink mine, meron pa akong isang bottle." Kinuha ko na lang ang tumbler nya at uminom doon.

"Yow! Kumusta na practice?" Si Galum, siya sana ang partner ko dito pero I insist, nung nakaraang taon kase na ako din yung napiling mag opening number ehh sya na ang partner ko, kaya si Mij naman ang pinili ko ngayon.

I can see in my peripheral vision that Galum playfully hit Hyunts head na tahimik na naglalaro sa tabi.

Naiiling akong tumawa.

"You laugh.." sbi ni Mij tapos bahagya pa akong tinuro.

Nilapitan naman ako ni Galum. "Ok ka na?" Tanong niya sa akin.

Isang linggo na ang nakalilipas simula nung iburol namin si Tustin, nung isang araw lang ako pumasok dahil bigla akong nagkasakit nung nakauwi kami sa bahay.

"Patingin ako ng sayaw." Sabi na lang ni Galum ng hindi ko siya sagutin.

"Tapos babaguhin mo nanaman, naguguluhan na nga si Rhoa sa mga steps na pinalit mo."

"Hindi ko naman babaguhin, titingnan ko lang." Depensa nito.

"Tanong mo kay Rhoa, kanina pa siyang pamali-mali ng steps." Itinuro ako ni Mij gamit ang nguso niya tapos kinulinting ulit ang cellphone nya.

"Gusto mo ako na lang ang partner mo? Madali lang naman ang steps ng sayaw para masaulo ko bago ang event." Ngising sabi sa akin ni Galum sumulyap pa sya kay Mij.

"No way! Ako naman ang partner niya this time, ikaw na last year ah!" Sabi ni Mij habang nakaturo pa kay Galum.

"Hindi mo naman sineseryoso ang practice nyo..." Natatawang sagot ni Galum.

Hindi ko na inintindi ang sagot ni Mij dahil lumapit ako sa kanya at kinuha ang cellphone nya.

"So it's settle, 8:00 am tomorrow morning at Starbucks Cafe and it's a date."

Napangisi na lang ako sa nabasa ko. May nililigawan na pala si Mij hindi man lang siya nagsasabi sa amin..

"Who is Maria Aira Villacuerte?!" I shouted while reading at his phone.

Natitigilan siyang napaharap sa akin. Nagtataka naman na tumingin si Galum kay Mij. Dumako ang tingin ni Mij sa phone niya na hawak ko. Agad siyang tumakbo sa kinaroroonan ko at akmang kukuhanin ang cellphone niya.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon