Chase 7

398 8 1
                                    


Rhoa

Is it weird na pumunta ng sementeryo na naka kulay pula?

Wala namang masama diba?

Pansin ko kasing kanina pa akong pinagtitinginan ng mga taong nakakakita sa akin.

Well, wala silang magagawa dahil hindi naman sila ang nagsusuot, at ako. Hindi naman sila patay para sila ang dalawin ko dito.

But seriously, I understand them. Alam ko naman na ang kulay pula ay simbolo ng matinding galit o disgusto sa isang tao buhay man o patay.

So why did I ask earlier na "is it weird.." nag magsuot ng ganitong color..stupidity!

I'm wearing a red fitted dress pairing it with black stilettos, black hat as my top and don't forget my shades and handbag.

Nagmukha tuloy akong kontrabida..

I'm holding a white rose in my right hand..

Bibisitahin ko si Tustin.

Why rose? As we all remember, hindi ko naibigay ang bulaklak kong hawak sa kanya nung mismong libing dahil bukod sa hindi ako makalapit sa puntod, nahulog ko pa ito at hindi ko na mahagilap kung saan napunta...

Nilamon na ata ng lupa.. pwede din, maybe there's someone waiting for a flower to be putted on the top of their grave.. but in my case nahulog ko nga lang....I don't really care at all.. siguro walang effect naman kapag ganoon right?

Tumigil na ako sa paglalakad dahil nasa tapat na ako ng puntod ni Tustin.

I miss him.

He's the only person who knows my precious secret. But then our world is unfair..

Totoo ang mga paratang sa akin ng mga kamag anak niya, if natatandaan niyo pa ang dami kasi agad nangyari this past few days nakalimutan kong hindi pa pala ako tapos magluksa..

Namatay si Tustin Rivera because of me.. he saved me.

Ohh! I almost forgot...

--FLASHBACK--

"Anton, m-may tumawag sa akin.. si Sister Minnie..." nag aalalang sambit ni mama.

Papasok dapat ako sa kwarto nila dahil may sasabihin ako about sa papalapit na event sa school namin ng marinig kong naguusap sina mama at papa...

Na-curious ako kaya hindi muna ako pumasok at nakinig muna sa pinaguusapan nila..

"Ang totoong magulang ni Rhoa..." hindi ko na naintindihan pa ang mga sinasabi ni mama dahil agad na nagsink in sa akin ang sinabi nito..

Hindi nila ako tunay na anak... hindi ako totoong Virdellon... a-ampon lang ako...

Unti-unti akong napaupo sa sahig kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa aking mga mata...

Bago pa man malaman ng mga magulang ko nag eavesdrop ako sa conversation nila ni Papa ay nagtatakbo na ako palabas ng bahay.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon