Chase 15

160 2 0
                                    

Three days.

Just three days I'll be gone...again.

I cannot risk other life just for my own sake. I can't.

Today, I will treat my family. I will spend time with them.

"Mama tara na."

"Saan ga tayo pupunta?" Tanong nito habang akay-akay si Rhian na sobrang cute sa suot nitong jumper.

"Nasaan si Daddy?" Tanong ko ng mapansing wala ito.

"Kanina pang madaling araw umalis papuntang maynila, pupuntahan yung tita mo doon." Sayang naman, hindi sya makakasama sa amin.

"Ate alis na tayo!" Aba! Huwag ko kaya isama tong batang to?!

Binabawi ko na! Hindi na sya cute!

...

"Ate, punta tayo sa palaruan..." kakatapos lang namin kumain sa jollibee.

"Huwag na Rhian, baka maubos na ang pera ng ate mo."

"Ok lang po, tara!" Ako na ang humawak kay Rhian at patakbong

"Ate gusto ko dun sa barilan! Yung may malalaking baril..." tuwang tuwa iito habang dine-describe kung gaano kalaki at kabaha ang baril.

"Terminator? Yung ang babarilin ay yung mga robots?" Walang tigil itong tumango.

Hinigit na nito ako patungo sa world of fun.

"Ate dito tara!"

"Wait lang bibili lang ako ng tokens. Wag kang lalayo kay mama." Naglakad ako patungo sa bilihan ng tokens ng may kumulbit sa aking likod.

"Miss nahulog mo kanina." Paglingon ko ay pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin.

"R-Rhoa..."

Alleid...

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla na naman itong sumakit, agad nya naman akong inalalayan. Nung mahawakan nya ang siko ko ay nakaramdam ako ng boltahe ng kuryente nung magtagpo ang balat namin.

Akala ko ay ako lang ang nakaramdam noon pero nang tanggalin nya ang pagagahawak nya sa akin ng parang napaso ay doon ko nalaman na naramdaman nya din.

"A-nong ginagawa mo dito?" 

"Mall to Rhoa," natatawa nyang sagot.

Oo nga naman, tanga mo sa part na yun.

"Oo nga hehehe,"

"Ate ang tagal mo! Kanina pa kaming naghihintay!

"Rhian?" Bakit nya kilala ang kapatid ko?

Nang madako rito ang tingin ng kapatid ko ay kumaripas agad ito ng takbo at niyakap sya.

"Magkakilala kayo?" Bago pa sya makasagot ay umalinhawngaw na ang boses ni mama.

"Alleid?" Bakit kilala nila si Alleid? Hindi ko pa naman sya naikukwento sa kanila ah?

"Bakit magkakilala kayo?"

"Nakalimutan mo na ba nung sabay kayong naospital?" Ah! Oo nga! Ano ulyanin lang Rhoa?

"Sorry nakalimitan ko, pero bakit kilaladin sya ni Rhian? Hindi naman sya pumunta sa ospital noon ah?"

"Hindi lang kami sa ospital nagkikita, nung namalengke ako ay tinulungan nya ako sa mga bitbitin...napakabait na bata."

Napatango ako sa nalaman.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon