Chase 5

451 7 0
                                    

Millary Santiago

Kasalukuyang nasa bahay si Rhoa, nag pa-piano.

"Rhoa, baka naman masira ang piano namin..hinay-hinay lang.." pagawat ko sa kaniya.

Kung papanoodin mo kasi sya, halos masira na niya ang piano dahil sa sobrang diin ng pindot nito..

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa ginagawa..

"May piano naman kayo sa bahay nyo ah? Bakit dumadayo ka pa rito?" Tanong ko.

"Madaming tao sa bahay." Maiksing sagot niya.

Nakapikit pa siya habang nagtitipa, tila damang dama niya ang tinutugtog..

"Ano naman?" Bigla siyang tumigil sa pagtugtog at tumingin sa akin.

Walang emosyon siya habang nakatingin sa akin, hindi ko din mabasa kung anong gagawin niya. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa kaniya.

"B-bakit ganyan ka naman makatingin..?" Kinakabahang tanong ko.

Napapitlag na lang ako ng bigla siyang tumayo at lumabas ng bahay.

Agad ko naman siyang sinundan.

"Hoy! Saan ka ba pupunta?"

"Aalis na. Mukhang ayaw mo akong nandito eh.." blankong sagot niya sa akin.

"Hindi naman sa ganon.. tinatanong lang naman kita.." nagi-guilting sabi ko.

"Pupunta akong mall, sama ka?" Tanong nya sa akin.

"Sige, hintayin mo ako ha! Magpapalit lang ako." Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

Nakita ko naman siya naghihintay sa tabi ng gate namin habang nakatingin sa kawalan.

"Tara na?" Naagaw ko ang atensyon niya.

Tumango lang sya at nung may dumaang taxi ay agad niya itong pinara at sumakay. Sumunod na lang ako sa kanya.

Pagkadating namin sa mall, maglalabas na sana ako ng 500 ng inunahan niya akong magabot ng 1000.

Matapos magbayad at masuklian ay walang pasabi siyang lumabas.

"CR muna tayo.." sabi niya habang deretso pa rin ang tingin.

Hay.. nagmumukha na akong aso kakabuntot sayo ha! Sinama pa ako..

Habang naglalakad kami ay lumilibot din ang tingin ko.

Ano ba yan 5000 lang ang nadala kong pera.. hindi tuloy ako makakapamili ng mga bagong damit..

Sa pagtitingin ko ay hindi ko na namalayan na nasa CR na pala kami.

"Rhoa, daan muna tayo ng Von Dutch, may bibilhin lang ako.." sabi ko at ikinawit ang braso sa braso niya.

"We're not here for your shopping, Larry. We're here because I'm going to meet someone important.." sabi niya at tinanggal ang pagkakakawit ng braso ko sa kaniya.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon