Chase 13

155 1 0
                                    

Yieee!! Kinikilig akooo!!!

(Ok lang kahit hindi kayo kinilig.)

Rhoa

"I like you."

"I like you."

"I like you."

*paling sa kaliwa*

Alas dos na ng madaling araw, may pasok pa ako bukas, hindi pa rin ako makatulog!

Rhoa you need to sleep! Stop thinking about that nonsense "I like you." thingy! Nakakadiri ka!

Sabi mo sa sarili mo na hindi ka gagaya sa mga wattpad leading lady na ang lalandi! Nangako ka sa sarili mo diba?! Diba?! 

*paling sa kanan*

Pero hindi ko talaga maiwasang maisip yun! Kahit pa sabihin na nating high siya nung mga oras na yun, hindi ko pa rin maaalis na may nagtapat sa akin!

It's... it's unusual..

Hindi ko alam kung ano ang I-rereact ko sa kaniya kanina eh... halo halong emosyon ang naramdaman ko.

At ito pa, feeling ko madadala ako at matatanggal sa rib cage ko ang aking puso dahil sa bilis at lakas nito.

Wala naman siguro akong sakit sa puso no? Kase kung meron kunin na lang po sana ako ni Lord..joke yun! Madami pa akong pangarap sa buhay..

By the way, kailangan ko na talagang matulog dahil maaga pa gising ko mamaya kaya matutulog na ako!

"Goodmornight world." Sabay talukbong ng kumot at pumikit ng mariin habang iniisip na makatulog sana ako.

...

"Rihanna Rhoa! Wala ka pang balak gumising! Aba'y malelate ka na!" Muntik na akong mahulog dahil sa sigaw ni Mama na may kasamang kalabog pa sa pinto.

Agad naman akong napatingin sa wall clock ng aking kwarto at...

Shit! Late na ako! As in late na talaga dahil 6:54 na! 7:00 ang time namin!

Sureness na akong hindi makaka-attend ng 1st period! Bakit ba kasi nagpuyat ayan tuloy.

Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo, nag conditioner lang ata ako tapos ilang buhos ay lumabas na akong banyo para magbihis ng uniform.

Kung dati ay gandang-ganda ako sa uniform namin ngayon ay pinagsisisihan ko na na ganito ang style nito! Daming dami ng kailangang isuot pampabagal lang eh!

Lumabas na agad ako ng kwarto ko kahit hindi ko pa nasusuot ang aking vest. Sa school ko na lang yun susuutin.

"Ma! Alis na ako!" Sigaw ko habang sinusuot ang medyas ko.

"Oh baon mo." Naglahad siya ng 90 pesos.

Hay naku mama!Porket malelate lang ako at hindi makakapagreklamo na 90 pesos lang ang baon ko ay sinasamantala niyo na ang pagkakataon! Babawiin ko yung sampung piso bukas!

Agad kong pinara ang tricycle na dumaan habang nagsusuklay ng buhok. Kahit na malapit lang school namin ay magsasakay na ako ngayon dahil late na ako!

Pagkababa ko ng tricycle ay agad akong nagabot ng sampung piso kahit eleven na ang estudyante ngayon.

"Sorry kuya wala po akong piso.." napakamot na lang si manong bago umalis.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon