YAM 13✔

1K 18 0
                                    

Chapter 13









I FELT exhausted pagkatapos naming mamili ng mga dadalhin para sa susunod na linggo. Goodness! Parang mag aabroad kami neto dahil sa sobrang dami ng pinamili namin..

Bigla naman akong napatingin sa phone ko. Nakita kong rumihistro ang pangalan ni Nate-- speaking of that man. Pagkatapos naming mamili kanina ay basta basta lang siya umalis na hindi man lang nagpapaalam sakin--samin!

Sinagot ko nalang yung tawag niya.

"What took you so long? Are you busy? Don't tell me you have--"

I cut him off. "Stop the mumbling Nate. Natagalan lang talaga ako dahil nakatulog ako." I lied.

I heard him sigh. "Fine! About the summer vacation. Maybe susunod lang ako. I have some business to attend in Barcelona."

"Okay." I said plainly.

"Okay. Bye baby."

Parang tumalon naman sa gulat at saya ang puso ko ng marinig na tinawag niya akong baby.

"B-Bye." I said and ended the call. Napahawak naman ako sa dibdib ko ng maramdaman ang malakas na pagkabog nito.

"I really need to call Ate Kris."

Kaagad ko namang hinanap ang pangalan niya sa contact ko at kaagad na pinindot iyon. Pangatlong ring palang ay kaagad na siyang sumagot.

"HELLO MY DEAREST COUSIN!!"

Kaagad ko naman hiniwalay ang phone ko sa tenga ko dahil parang mababasag na yung eardrums ko sa sobrang lakas ng pagkasigaw niya.

"The hell! Lower down your voice Ate Kris. Para kang bata kung umasta!" Asik ko sakanya pero tanging hagalpak naman ng tawa ang narinig ko.

"Chill cous! It's been weeks? I don't think so. Maybe months since hindi tayo nagkita tapos ganyan lang ang sasabihin mo sakin? I'm hurt."

Umismid naman ako. "Cut the drama Ate. I call you for some reason."

Bigla namang tumahimik ang sa kabilang linya. Napatingin naman ako sa phone ko pero hindi pa naman natapos kaya binalik ko nalang iyon sa tenga ko.

"Goodness! Sinapian kaba ng mabait na kaluluwa at parang naging mabait ka ata? At ano? You call me for some reason? Don't tell me lalaki yan?"

I froze.

Should I tell her? Wala pa namang busal ang bibig ng babaeng ito baka ipagkalat pa. Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hininga.

"Well then, I won't tell you."

Napangiwi naman ako ng marinig siyang tumili sa kabilang linya kaya sunod-sunod na mura naman ang lumabas sa bibig ko.

"Dammit! Shit! Stop squealing for godamn sake!"

"Opps! Sorry cous. I can't help but to squeal. But seriously! Bakit sakin ka nagtanong?"

Napairap naman ako sa kawalan.

"You're known to be psychiatrist expect me na ikaw ang una kong tatawagin. Alangan namang tatawagan ko si Kuya Greg, ano naman ang mapapala ko sa isang engineer? I'm finish with those quadratic and some algebraic expression Ate." Mahabang litanya ko. I heard her laugh.

"So what's with the urgent call cous? And what about the guy you're talking about?"

I sigh. "He's been lurking in my mind in these past few weeks. I've met him first nung kasal ni Kuya. Ng makita ko siya noong una ay parang tatalon sa tuwa bigla ang puso ko pero binalewala ko nalang iyon. But then when I came back akala ko mawawala na iyon, but I'm wrong. Badly wrong, it became worst."

You Are Mine✔(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon