YAM 31✔

701 12 0
                                    

Chapter 31



MABILIS NAMAN akong naligo at bumihis dahil nag aya silang mag pipinsan. Geez. Bakit ba palaging ganito nalang ang senaryo? Nakaka gulantang kaya na agad agad silang mag aya.

Tch!

Nagsuot lang ako ng isang simpleng black jeans at denim jacket na itinupi ko hanggang sa may siko. Nag suot rin ako ng isang puting sapatos at mabilis na pinatuyo ang buhok ko.

I turn my hair into a messy bun and grab my phone with my aviator glasses and my wallet. Tumingin muna ako sa vanity mirror bago lumabas ng kwarto ko.

All things were settled now kaya nagtaka naman ako ng hindi pa kami nakakaalis.

"Sino pa ang hinihintay natin?" Takang tanong ko habang nakasandal sa may sasakyan ni Gin.

"Edi sino pa? Kundi si Montreal." Sabat ni Jake kaya umismid naman ako.

"Akala ko ba hindi iyon sasama?" Takang tanong ko sakanya.

"Ewan. Sabi niya kasi kanina na mabilis lang raw yung gagawin niya sakanya opisina." Wika ni Marc kaya napailing naman ako.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ni Gin ng biglang may bumusina sa harap nito.

"Speaking of the devil." Rinig kong bulong ni Gin na nasa tabi ko. Agad naman akong napabaling doon.

My eyes settled on the man who actually wearing a shades that suits him well. He's wearing a black polo na nakatupi rin hanggang siko niya. Bukas rin ang dalawang botones niya sa itaas na mas lalong nag papabigay gwapo sakanya.

Goodness! He's really the definition of handsome. Pinag pala talaga siya ng panginoon dahil sa kapogiang taglay nito.

"Stop drooling Almond." Rinig kong bulong ni Gin kaya agad naman akong tumingin sakanya at sinamaan siya ng tingin.

He laugh quietly and shook his head.

"Hey."

Hindi ko alam na andito na pala sa harap ko si Nate. He gave me a warm smile, showing his white and perfect teeth.

"H-Hey."

Marahan ko namang inayos ang glasses ko. I composed myself and look at him directly in the eyes too.

He smile at me and gestured me to his car. Nagsalubong naman yung mga kilay ko sa sinabi niya at tumingin sa mga pinsan ko.

"Great." Mahinang bulong ko ng mapansin kong nakapasok na sila sa sasakyan ni Gin kaya wala na akong nagawa kundi doon na sumakay sakanyang sasakyan.

"New car?" Tanong ko sakanya. Ngumisi naman siya sakin bago tumango at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Where to?" Tanong ko sakanya ng mabilis niyang pinaandar ang kanyang sasakyan.

"Mall. May bibilhin raw sila bago puntahan ang kanilang kaibigan sa Tagaytay." Wika niya. May bahid ng pagkahindi gusto sakanyang boses kaya binalewala ko nalang iyon.

"Kaibigan? I never knew na may kaibigan pala sila sa Tagaytay." Hindi makapaniwalang sambit ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Bigla namang umilaw ang cellphone ko kaya mabilis ko itong tinignan at napagtanto ko na si Klein pala iyong nag text sakin.

Klein:

I can't make it today pretty girl. Sorry, dahil may pinagawa sakin si Daddy sa office.

Napabuntong hininga nalang ako bago siya ni-replayan.

Ako:

It's okay, I understand. Paki kumusta nalang kina Tita at Tito.

Mabilis ko nalang na inilagay sa may hita ko ang cellphone ko at tumingin kay Nate na diretso lang ang tingin sa daan..

You Are Mine✔(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon