Chapter 11
NATAPOS NA ang party ay halos wala parin ako sa sarili ko. Ni hindi ko nga kayang magsalita dahil parang walang lumalabas sa bibig ko.
"What's with the sudden silence, A?"
Kaagad naman akong napatingin kay Gin ng bigla niya akong tinanong. Hindi ko naman mapigilang mapalunok. Hindi dahil sa takot o hindi ako makakasagot sa tanong niya, kundi dahil sa dalawang pares ng mata na nakatitig ngayon sakin.
"N-Nothing." Sikmat ko pero mukhang hindi sila kumbinsido sa sinabi ko.
"Maybe she felt sleepy right now. Right A?" Napakurap kurap naman ako dahil sa agad na pagsasalita ni Marc. There's something behind of that wicked smile but I didn't manage to find it out.
"Yeah." Umakting naman ako para makumbinsi sila. Tinignan nalang ako ng mabuti ni Jake bago bumuga ng marahas na hangin.
"Marc. Go and--"
"Nate can handle her." Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pagpigil ni Marc kay Jake. Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Jake pero kaagad namang napalitan ng isang ngisi iyon.
"Oo nga naman. Alam kong graduate na si Nate sa pagiging babaero. So Nate samahan mo si Almond doon sa bahay." Wika ni Jake kaya halos takasan naman ako ng dugo sa katawan ko.
N-No!
Bago pa ako umapela ay namalayan ko nalang na hawak-hawak na ni Nate ang braso ko habang hinihila ako palabas.
Nagpupumiglas naman ako at salamat dahil binitawan niya rin ako. Akmang babalik ako sa loob ng bigla niya akong pinigilan.
"I thought you're sleepy." Mahinang usal niya kaya hindi ko naman napigilang mapairap sa kawalan. Goodness!
Nilingon ko naman siya. "You don't care so please bumalik kana sa loob dahil kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko sabay iwas sakanya ng tingin.
I heard him sigh. "I-Iniiwasan mo ba ako A?"
Ramdam ko ang panginginig sa boses niya kaya nagulat naman ako doon at kaagad na tumingin sakanya. Disappointment was visible on his eyes.
Parang kumirot naman yung puso ko dahil sa nakikita ko ngayon. Oh, boy! Si Nate ba talaga ang kaharap ko ngayon?
Hindi naman siya lasing dahil hindi naman siya uminom kanina. Pero ang tanong, bakit siya ganito sakin?
"I-I'm not."
He sigh heavily. "Damn woman don't make this hard for me. Alam ko namang iniiwasan mo ako dahil sa nangyari kanina." Nagulat naman ako sa biglang paggulo niya sa buhok niya.
He frustratingly brush his hair using his fingers.
"Iuwi mo na ako." Malamig kong wika. Kita ko namang natigilan siya saglit bago tumingin sakin pero umiwas nalang ako.
I can feel my heart beating fast again, and this is not normal. Goodness! I should call Ate Kris by now!
"Can we just--"
I cut him off. "Iuwi mo na ako Nate. Ano paba ang dapat kong sabihin para makaalis na tayo?"
He shake his head and lead the way to his car. Umilaw naman ang sasakyan niya ng may pinindot siya doon sa dala niyang susi.
Parang sumikdo naman ang puso ko dahil pinagbuksan niya ako ng pinto at hinintay na makapasok ako. Kaagad ko nalang sinuot yung seat belt at humilig sa may bintana.
KAAGAD naman akong lumabas ng sasakyan niya at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Hindi na ako lumingon pa kaya kaagad nalang akong umakyat at pumasok sa kwarto ko.

BINABASA MO ANG
You Are Mine✔(COMPLETED)
Ficção Geral"You are Mine. Only MINE." - Nate Language: Taglish