1: PROTECTIVE

217 12 4
                                        

Cali Fraine's POV.

"Ipinatawag nyo daw ako?" tanong ko kaagad kay lolo ng makapasok ako sa opisina nya, kasalukuyan siyang nakaupo sa swivel chair nya at busy na nag babasa sa mga dyaryo.

Naibaba nya ang dyaryong ibinabasa nya at napatingin saken.

"Maupo ka." utos nya saken.

Nag bow ako sa kanya bago umupo sa upuan na nasa gilid nang table nya.

"Bakit nyo ho ba ako ipinatawag?" tanong ko.

"Ipinatawag kita dahil may mahalaga akong misyon sa inyong magpinsan." sabe nya habang seryosong nakatingin saken.

Hindi naman ako sumagot at hinintay nalamang ang sunod nyang sasabihin.

"Kaylangan nyong bumalik muli, sa herondale university." sabe nya na ikinabigla ko.

"Ho? Lo, Hindi ba't pinagbawalan nyo na kameng pumunta don? Bakit pinapabalik nyo kame don? Anong dahilan?"

Bumuntong hininga muna si lolo bago sumagot.

"Pinababalik ko kayo dahil, may mahalaga kayong misyon. Kaylangan nyong bantayan ang lahat ng mga kauri natin doon, bali-balita sa verzianda na madami ng nawawalang mga kauri natin na nag aaral sa herondale, kaya kaylangan nyong alamin kung sino ang mga taong yon. Hindi ako ang pumili sa inyo para sa misyon na to, kundi ang mga kataas-taasang punong bantay.."

(Verzianda: The City Of Vampires isang tagong lugar na kung saan ang nakatira lamang ay ang mga bampira.)

(Punong Bantay: Ang mga tawag sa mga bampirang matataas at malalakas... Sila ang batas nang verzianda.)

Sa dami ng sinabe ni lolo isa lang ang napansin ko.

"Tao?" takang tanong ko.

Tumango naman siya.

"Oo, mga tao. Alam naman natin kung anong klaseng unibersidad ang herondale...hindi eto normal na eskwelahan na inaakala nang iba, karamihan sa estudyante ng herondale ay kriminal, ang iba naman ay delinquents na pinarurusahan lamang at ang iba naman ay immortal. Kaya hindi madali sa mga immortal na nag aaral don ang makisalamuha sa mga tao na nandon sa unibersidad dahil karamihan sa kanila ay talagang masasama." sabe ni lolo saka siya sumandal sa swivel chair nya.

Mas lalo palang naging delikado sa herondale, dahil siguro hindi na si lolo ang namamalakad sa herondale kundi ang kambal neto na hindi naman nya kasundo.

"Bakit hindi nyo nalamang palitan sa pwesto ang kambal nyo lolo?"

Bumuntong hininga muli siya.

"Hindi pwede." maikling sagot nya.

"Bakit hindi? Natatakot ba kayo?" tanong ko.

Tinignan nya ako nang seryoso.

"Bakit ko naman kaylangan katakutan ang sarili kong kapatid?" tanong nya.

Hindi naman ako sumagot dahil, hindi ko masagot ang tanong nyang yon.

"Cali, hindi ako takot sa kanya. Hindi lang talaga pwedeng palitan siya don dahil, yon na lamang ang meron siya."

Napatango nalamang ako, tama si lolo wala nang ibang pagkakaabalahan ang kambal nya dahil wala na itong pinaghahawakan kundi ang eskwelahan nalang na yon.

"Naiintindihan ko po...wala na ho ba kayong ibang sasabihin pa?" pag iiba ko nang usapan.

"Wala na, maari ka nang umalis at sabihin ito sa pinsan mo." sabe nya saka ulet nag basa sa dyaryo nya.

The Immortal DeathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon