DEMITY AYNE'S POV
Kami lang dalawa ni Calvin ang naiwan dito sa training hall dahil umalis si Cali. Ipinatawag na naman daw sya ng daddy nya, gayong gabing gabi na at masyado pang delikado sa labas.
"Noona!" napalingon ako kay Calvin matapos kong lunukin ang tubig na iniinom ko.
"Hm"
"Hindi kaba kinakabahan para bukas?" sobrang seryoso ng pagkakatanong nya, bagay na ikinagulat ko. Marunong din naman pala syang magseryoso kahit papano.
"Ikaw hindi kaba kinakabahan?" ibinalik ko nalang ang tanong sakanya dahil maski ako ay hindi sigurado sa dapat na isagot ko.
"Kinakabahan syempre! ngayon lang kaya ako lalaban ng ganon... kayo nga ni noona hindi ko matalo-talo, yon pa kayang ibang tao?" nakanguso pa sya habang nagpapaliwanag.
"Bakit ba hindi mo kayang kabiliban ang sarili mo? masyado kang naduduwag sa mga bagay na dapat ay sinusubukan at ineenjoy mo." inagaw ko sakanya ang hawak na archer at sinimulan ng asintahin ang board. "Hindi ba't magaling ka sa bagay nato?" iyong archery ang tinutukoy ko.
"Oo per---" hindi ko na sya pinatapos at agad na ibinalik ang archer sakanya.
"Subukan mo akong asintahin mula doon." itinuro ko ang board at agad syang napailing. "Wag mong isipin na ibang tao ako... dapat matuto kang labanan ang takot mo kahit kauri pa natin ang makakalaban mo." tinapik ko muna sya sa balikat pagkatapos ay diretso akong tumayo sa tapat ng board upang magsilbing target.
Tinignan nya ako ng nagtataka at tila ba hihimatayin sa kabang nararamdaman.
"H-Hindi ko kaya." nahihimigan ko talaga ang takot sakanya.
"Hindi mo pa nga sinusubukan." itinaas ko na ang kamay ko bilang hudyat na kailangan na nyang magsimula.
Malalim pa syang bumuntong hininga bago puwesto at sumentro sa tapat ko. Kitang-kita ko tuloy mula dito ang panginginig ng kamay nya at ang sunod sunod na paglunok nya.
"Sorry noona! hindi ko talaga kaya... pwede bang yung picture nalang muna ni noona yung asintahin ko dyan?" gusto kong matawa sa naisip nya.
"Ikaw ang bahala." nagkibit balikat nalang ako bilang pagsang-ayon.
Kailan kaya matututo ang batang to? malayong malayo ang agwat ng abilidad nya kumpara kay Cali na lahat ay gustong subukan at patunayan.
--
Simula sa bahay hanggang dito sa battlefield ay hindi talaga mapalagay ang loob ko. Kanina ko pa nararamdaman na parang may sumusubaybay sakin at para bang binabantayan ang bawat kilos at galaw ko.
Hindi naman sa natatakot ako... sadyang nakakabahala lang talaga ang mga mangyayari ngayon.
Alam kong matagal na nong huli akong makipaglaban sa ring na to. Natatandaan ko pa nga noon na sa kalagitnaan ng laban ko ay may bigla nalang pumana sakin at tumagos iyon hanggang sa dibdib ko. Akala ko pa nga ay mamamatay nako, mabuti nalang at dumating si Taurus para dalhin ako sa hospital ngunit wala rin namang nagawa ang mga doctor kaya napilitan din akong pumunta ng Verzianda at doon na nagbago ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Immortal Deathless
VampireFor love and sacrifices heart is still beating. Beyond the battlefield, begins with blood, wiped out sweats and trickled tears heart is always fighting. Come and Join me discover the unusual passion, In Life or to Death? The Immortal Deathless. ...
