15

36 4 0
                                    

Sardius Point of view

Medyo madilim na nang umalis ako sa condo nila Teo, mga alas sais nadin siguro. Sakto naman kasing ayoko pang umuwi kaya dumiretso muna ako sa coffeshop ng nanay ko.

"Good evening young master." pagbating salubong agad sakin ng secretary ni Sari nang makitang papasok ako.

Tinanguan ko naman sya bago nagtanong.

"Nasan si Sari?" hindi sya sumagot pero pinangunahan nya ako papasok sa opisina ni Sari.

Agad ko namang nilibot ang paningin ko sa buong paligid at sandaling tumingin sa salamin na nakalagay sa gilid ng bookshelves para pagmasdan ang sarili ko.

"W-Wala po s-sya ngayon young master." nauutal na sagot nya.

"P-Pero may pinabibigay naman p-po siyang envelope para daw s-sa inyo." tumango nalang ako at walang ganang inabot ang envelope sakanya.

"San naman nagpunta yon? himala mukhang importante." naupo ako sa swivel chair at nilaro ang mga ballpen na naroon.

Hindi rin naman nakaligtas sa paningin ko ang nag-iisang picture frame na nakataob sa ibabaw ng mesa nya.

"Hindi ko r-rin po alam y-young m-master, nagmamadali po kase sya kanina."

Halos manigas ako sa kilabot ng makita ko kung sino ang nasa picture.

Nakatuon lang ang atensyon ko doon, habang walang tigil ang pagkabog ng dibdib ko.

"Hm." malalim na buntong hininga ko at makahulugang tinignan ang secretary ni Sari na dali-daling lumabas.

Hindi ako makapaniwala. Bakit may ganoong litrato sila?

Bakit sya?

Bakit sila magkasama?

Naihilamos ko nalang ang kamay ko sa mukha ko dahil sa napakaraming tanong na tumaktakbo sa utak ko.

Wala sa sarili akong lumabas ng opisina nang aksidenteng may makabangga sa akin.

"Shit... can you---" agad namang napakunot ang noo ko ng makitang nakayuko lang ang babaeng nakabangga sakin na tila ba hindi na alam ang ginagawa.

"Sorry." iyon nalang ang nasabi ko at tinalikuran na ulit sya.

"Diba ikaw s-shi... Ano na nga ba ulit p-pangalan nito?" tanong nya pa sa sarili at kinalabit ang balikat ko.

Nilingon ko ulit sya nang may malungkot na mata ngunit bigla din naman iyong nawala nang makilala ko kung sino sya.

"D-Demity?" nabibigla namang tanong ko kaya napapalakpak sya.

"Kilala moko?" nakangising tanong nya.

Parang may mali?

Mas lalo pa syang lumapit sakin at pilit pinantayan ang mukha ko. Nakakailang shet.

"D-Demity." dumiretso naman na sya ng tayo at parang batang hinawakan ang laylayan ng polo ko.

"Uminom kaba?" tanong ko.

Bigla namang nanlaki ang mata nya at tinakpan pa ang bibig ko.

"Wag kang maingay." bulong nya sa tenga ko tsaka tumawa.

Tama nga ang hinala ko, nakainom sya at sigurado akong lasing na sya dahil mukhang hindi na nya alam ang mga ginagawa nya.

"Tara!" hinila ko nalang ang kamay nya at nagmamadaling lumabas tsaka sumakay sa kotse ko.

The Immortal DeathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon