Demity Ayne's POV.
"At sino naman ang nagsabi sayong pwede mo akong lapitan?" Kasalukuyan akong umiinom ng tsa'a nang biglang may lumapit sakin. Amoy palang, kahit hindi ko sya lingunin ay kilalang-kilala ko na.
Nandito ako ngayon sa isang cafe, naglilibang at nagpapahinga.
"Oh! come-on Ayne, parang hindi naman tayo mag pinsan nyan.. sinungitan na nga ako ni Fraine kanina pati ba naman ikaw?" Hinawakan nya pa ko sa balikat. So nagkita din sila?
"Get off your dirty hands on me Kairo, simpleng paglapit mo pa nga lang sakin gustong-gusto na kitang saktan! pagkatapos hahawakan mo pa ko ng basta-basta lang!?" Pinanlisikan ko sya ng mata. Nakakasurang ngisi naman ang iginanti nya, sabay angat ng parehong kamay sa ere.
"Chill my dear cousin, gusto lang naman kitang kamustahin." Bahagya pa syang lumayo at patalon'g naupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko. "Balita ko sa Herondale na daw ulit kayo? ano namang naisipan nyo't bumalik pa kayo?"
Siguro dahil pamilya namin ang may-ari ng Herondale, o ang dapat ko palang sabihin ay dahil dapat namin kayong bantayan ng lolo mo, at ang kaligtasan ng ibang taong ngayon ay nasa walang kasiguraduhang pamamalakad nyo.
"Trip lang namin bakit? natatakot kabang malamangan?" Sa pagtataong yon ay ako naman ang napangisi dahil sa mabilis na pag-iiba ng reaksyon nya.
"Masyado ka naman yatang mayabang ngayon pinsan?" Tumaas na ang parehong kilay nya at halatang nagtitimpi sa kayabanga'ng taglay ko.
"Hindi pagyayabang yon Kairo." Sarkasatikong sagot ko at tinungga na ang natitira pang tsa'a sa mug ko. "Magkaiba ang mayabang sa nagyayabang lang." pinaglaruan ko pa sandali ang tasa bago ko yon ibinaba sa lamesa. "Limot mo na agad.. mayabang naman talaga ako hindi ba?" Pinagpag ko muna ang parehong palad ko sa harap nya bago ako tumayo at tinalikuran na sya.
"Demity Ayne, wag kang pakakasiguro.. lalo na't ngayong nalaman kong buhay sya." Hindi na ako nag-abalang pakinggan ang mga sinasabi nya. Nagtuloy nalang ako sa paglakad papunta sa kotse ko.
"Wag kang pakakasiguro.. lalo na't ngayong nalaman kong buhay sya."
Tanginang Kairo yan! kung ano-anong pinagsasasabi, hindi nalang manahimik at magpalaki.
Hindi naman umabot ng kalahating minuto ay narating ko rin ang bahay nila Cali.
"Ang tagal mo naman." Ayan na naman siya. Pakialam nya ba?
"Matagal paba ang tatlong minuto sayo?" Inirapan ko sya. hinubad ko muna ang jacket ko, pagkatapos ay pabagsak akong naupo sa sofa. "Nagkita kami ni Kairo eh, anong aasahan mo?" Isinandal ko ang batok ko sa sandalan at patagilid syang tinignan.
"Ano pa nga ba? edi nagpayabangan." Sarkastiko at mapang-asar namang sagot nya.
"Tss." Singhal ko't pumikit nalang at sandaling hindi kumibo.
Napadilat lang ako nang maya-maya'y may narinig akong kumaluskos at kasunod non ay ang mahinang pagmumura.
"Ay! potangina."
Paglingon ko sa kaliwa. Nakita ko si Calvin habang may bitbit na isang galon ng ice cream, isang bowl ng chips na nakapatong pa sa braso nyang may bandage at dalawang slice ng cake na kagat-kagat ang pinaglalagyang tupperware. Halatang hirap na hirap sa pagdadala.
BINABASA MO ANG
The Immortal Deathless
VampireFor love and sacrifices heart is still beating. Beyond the battlefield, begins with blood, wiped out sweats and trickled tears heart is always fighting. Come and Join me discover the unusual passion, In Life or to Death? The Immortal Deathless. ...