14

27 3 0
                                        

CALI FRAINE'S POV.

"Asan yung kuya mo?" tanong ko kay thea ng madatnan ko siya sa sala na nanonood ng cartoon network.

"Umalis na ate, hindi po ba nag paalam sayo?" tanong nya sabay tingin saken.

Umiling naman ako.

"Nagmamadali po kase siya kanina, nasa baba na po kase si kuya sardius kaya siguro di na nakapag paalam sayo." sabe nya ulet na ikinatango ko.

Umupo naman ako sa tabe nya at nakinuod.

"Wala kabang lakad mamaya?" tanong ko sa kanya habang nakatutok sa tv.

"Hindi po ako lumalabas ate, pinagbabawalan ako ni kuya. Saka lang ako nakakalabas pag kasama ko siya, pero pag ako lang mag isa bawal." sagot nya.

Napakunot naman yung noo ko.

"Buti natitiis mong mag kulong dito." sabe ko sabay tingin sa kanya kaya napatingin din siya saken.

"Bored na bored na nga po ako e, gustong gusto ko na nga pong mag shopping at mamasyal para kahit papano malibang naman ako."

Napangiti naman ako nang may naisip akong paraan.

"Gusto mo ba samahan kitang mag shopping ngayon?" sabe ko na ikinagulat nya.

"Seryoso ka ate?!"

Tumango naman kaagad ako.

"Oo naman, saka kasama mo naman ako di naman siguro magagalit yung kuya mo." sabe ko.

Kaagad naman siyang napatayo saka masayang nag tatatalon.

"Omg! Tara na ate!" tili nya sabay takbo para magbihis.

Napailing naman ako saka napangiti, pero napawi din yon ng maalala sila demity.. Kamusta na kaya sila? Ayos na kaya si demity? Ano na kayang nangyayare sa herondale at sa battle? Sana ayos lang si calvin, sana wag siyang mapili.

——

"Eto ate, bagay kaya saken to?" nakangiti nyang tanong saken habang namimili ng damit.

"Masyadong maikli, hindi magugustohan ng kuya mo yan." sabe ko.

Kaagad naman siyang napanguso saka binalik yung damit at nag hanap ulet ng panibago.

Habang nag hihintay kay thea ay may bigla akong naramdaman.

Nandito sila, tyak na hinahanap nila ako ngayon dahil sa amoy ko.

"Thea matagal paba yan?" kaagad na tanong ko kay thea na abalang nag hahanap ng damit.

"Bakit ate? Naiinip na po ba kayo?" tanong nya sabay lingon saken.

Napailing naman ako.

"Hindi naman, M-May gusto lang akong icheck pwede bang dito ka muna?"

"Saan po kayo pupunta?"

"Basta dito ka lang, hintayin mo ko dito at wag na wag kang lalabas o, sasama kanino man... Naiintindihan mo?"

Takang napatango naman siya.

"Sige ate, dito lang po ako. Basta po bilisan nyo." sabe nya.

Tumango naman ako saka kaagad na umalis, at hinanap yung mga kauri ko.. At ng makita nila ako ay hinayaan ko silang sundan ako hanggang sa parking lot.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa limang tauhan ni lolo ng makarating kame sa parking lot.

"Pinahahanap po kayo ng inyong lolo, mabuti pa'y sumama na po kayo samen." sabe ni greg ang pinaka pinuno sa tauhan ni lolo.

The Immortal DeathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon