11 (PART 5): THE BATTLE

34 5 0
                                        

CALI FRAINE'S POV.


"Isa na namang napakagandang laban! ang nasaksihan natin mula sa kalahok ng Team A!" umugong ang hiyawan sa buong battlefield. Itinaas naman ng tagapag anunsyo ang kanang kamay ni demity, pagpapakita ng pagkapanalo neto.

"Be ready for the last battle... girls are you ready? Cali Vs. Audrey, let the battle begin." nang marinig ko yon ay kaagad akong napangisi.

Dahan-dahang bumaba si demity sa ring at kaagad naman siyang sinalubong ni zendaya.

"Salamat." rinig kong sabe ni demity.

"Ms.Melton umakyat na po kayo." sabe saken ng isang babae.

Tumango naman ako saka umakyat na sa ring.

"Mirę fuęr qoę zivęr Cali." (Take care of yourself) rinig kong pagpapaalala saken ni demity.

"I will." tipid na sagot ko at tumango muna sakanya bago ako humarap sa makakalaban ko na si audrey.

Nakangisi siya saken at may nilalaro siya sa kanyang kamay, isang maliit na palakol.

"You look familiar." sabe kaagad saken ni audrey. "Parang nakita na kita dati."

"Pamilyar ka din saken." sabe ko.

"Oh? Really? San tayo unang nagkita?" tanong nya saka ngumisi, at inikot ikot pa yung palakol sa kanyang kamay.

"Gusto mong malaman?" nakangising tanong ko.

"Well...."

Pagkasabe nyang yon ay kaagad nyang ibinato saken ang palakol na tumama kaagad sa balikat ko.

"Weak." tumatawang sabe nya.

Hindi naman ako sumagot at binunot ko nalang yung palakol na binato nya sa balikat ko. Pagkabunot ko non, ay kaagad umagos ang dugo ko mula sa balikat.

"Madumi kang maglaro audrey." nakangisi kong sabe sabay bato ng palakol nya sa likod ko. "Hindi mo ba alam na ang taong maduming maglaro, siya ang unang mamamatay?"

"Hindi mo ko kilala, hindi mo din ba alam na masamang damo ang kalaban mo? Ang masamang damo, ay matagal mamatay." sabe nya saka naglabas ng dagger mula sa likod nya.

"Let's see.." sabe ko saka sumugod sa kanya.

Mabilis akong nakalapit sa kanya at kaagad ko siyang sinakal ng madiin, at dahil may armas siya ay nahiwa nya kaagad ako sa braso kaya napabitaw ako.

Kaagad din siyang sumugod saken, buti nalang at nakaiwas kaagad ako sa kanya. Tuloy-tuloy ang pag sugod nya hanggang sa mawalan na ko ng pag aatrasan kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na saksakin ulet ako sa braso hanggang sa lumubog eto, hindi pa siya nakuntento at ipinaikot pa eto bago nya hugutin kaya napasigaw ako sa saket.

Akala ko ay tapos na siyang atakihin ako, pero bigla nya nalang akong tinuhudan sa tyan sa sobrang lakas ay napasuka ako ng dugo, nanghihina akong napaluhod sa harap nya habang namimilipit sa saket.

"Akala ko ba ako ang unang mamamatay sating dalawa?" tumatawang sabe nya.

Patayo palang ako ng bigla nya akong sinipa ng malakas sa mukha kaya tuluyan na kong napahiga. Umiikot na ang paningin ko sa sobrang pagkahilo, naramdaman ko din ang pagtulo ng dugo ko mula sa ilong, ni hindi ko na din maintindihan ang sinasabe ng taga anunsyo.. Pati ang sigawan sa buong battlefield ay hindi ko na din masyadong marinig dahil sa pagkahilo at pagkahina ko. Dahan-dahan akong lumingon sa pwesto nila demity, nakita kong sumisigaw si zendaya pero di ko maintindihan ang sinisigaw neto, napatingin din ako kay demity na nakatingin saken at mukhang nag aalala.

The Immortal DeathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon