13

19 1 0
                                    

MATTEO BREYDEN'S POV.

Mga hapon na ng makaalis si sardius, si cali ang nag hatid sa kanya sa pintuan habang ako naman ay nagliligpit ng pinagkainan.

"Kuya, pwede ba kong kumain ng ice cream?" tanong ni thea saken, sabay kuha ng isang spoon sa isang lalagyan.

"Hindi pa ko umo-oo kumukuha kana ng kutsara mo." masungit na sabe ko habang nag pupunas ng lamesa.

"Sige na kuya, ipapatikim ko din kase kay ate cali." nakangiti nyang sabe sabay kuha ulet ng isang kutsara.

"Naku mga galawan mo, Dinahilan mo pa si cali para makakain ka."

"Sige na kase kuya, bibigyan ko lang naman si ate cali..." sabe nya ulet sabay nguso sa harap ko.

"Tsk, sige na kumain kana." medyo iritado kong sabe.

Kaagad naman siyang napalundag sa tuwa saka nagmamadaling kinuha yung ice cream sa ref. Habang kinukuha ni thea yung ice cream, ay saka naman dumating si cali.

"Ako na mag uurong." sabe nya, sabay lakad papuntang lababo pero kaagad ko siyang pinigilan.

"Hindi ka pwedeng mapagod, namumutla kapa. Magpahinga ka nalang ako na bahala dito." sabe ko.

Ilang segundo pa siyang tumingin saken bago siya pumayag saka naglakad papuntang sala at saka umupo doon para manood.

Bumalik naman ako sa lamesa para kunin yung basahan na pinang gamit ko sa pagpunas.

"Ate cali." rinig kong sabe ni thea, kaya kaagad akong napatingin sa gawi nila.

Kaagad namang napatingin si cali sa kanya. Umupo si thea sa tabe ni cali saka binuksan yung isang bucket na ice cream.

"Kain tayo ng ice cream." nakangiting alok ni thea sabay bigay kay cali ng isang kutsara.

Napakunot naman yung noo ni cali, at napatingin sa hawak ni thea na ice cream.

"Ice cream?" tanong ni cali.

"Oo, bakit ate hindi ka pa ba nakakakain ng ice cream?" tanong din ni thea.

Napakunot naman yung noo ko, ng tumango si cali.

Wth? imposible namang may mga ganitong edad na hindi pa nakakakain ng ice cream sa buong buhay nila, halos lahat ng tao nakakain na ng ice cream tapos itong si cali hindi pa? Nakakapagtaka naman, may allergy ba siya sa malamig?

"Weh?! Seryoso ka ate, hindi kapa nakakakain ng ice cream?!" medyo gulat na gulat pang tanong ni thea.

"Hindi pa, wala akong oras kumain ng mga ganyang pagkain e." sabe nya.

Walang oras? Seriously..

"Omygad, ate. Try mong kumain ng ganito, super sarap." maarteng sabe ni thea sabay bigay ng ice cream kay cali.

Kaagad namang kumuha si cali ng ice cream, pagkakuha nya ay tinignan nya muna ito saka inamoy pa bago sinubo.

Halos hindi na ko makagalaw sa kinatatayuan ko, habang tinitignan si cali at ang magiging reaksyon nya sa lasa ng ice cream, masasarapan kaya siya?

"Masarap diba ate?" nakangiting sabe ni thea saka kumuha din ng ice cream saka agad na sinubo.

Nakangiti namang tumango si cali.

The Immortal DeathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon