3: ANGER

74 7 2
                                    

Cali Fraine's POV.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko nang makaupo ako sa sofa katabe ni demity.

Umupo naman si taurus sa tapat namin, bigla namang lumipat si zeno sa tabe ni taurus. Hindi naman nakaligtas ang pagsulyap nya saken.

"Pumunta kame dito dahil, inutusan kame ng lolo nyo na, samahan namin kayo sa herondale." sagot ni taurus saken, pero nakatingin siya kay demity.

"Samahan? You mean----" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang magsalita si zeno.

"Yep, don din kame mag aaral." sabe nya.

"Alam nyo ba papasukin nyo?" seryosong tanong ni demity sa kanila.

"Sinabe naman na samen nang lolo mo, kaya alam na namin ang gagawin namin." sagot ni taurus.

Tumango nalang sa kanya si demity at sumandal sa sofa.

"Anong plano?" tanong ko kay demity.

Kaya napatingin sya saken.

"Bukas, babalik tayo don. Pero sa ngayon, magpaplano muna tayo." sagot nya.

Tumango naman ako at saka tumayo. Kaya napatingin sila taurus saken.

"San ka pupunta?" tanong kaagad ni demity saken.

"Kakausapin ko si calvin." sabe ko, saka iniwan sila don.

Kaagad akong umakyat at pumunta sa kwarto ni calvin.

"Calvin?" tawag ko sa kanya habang kumakatok sa pinto nang kwarto nya.

Nakailang katok na ko pero hindi pa din siya sumasagot. Kaya hindi na ko nag dalawang isip na buksan ang pinto at pumasok sa kwarto nya.

Nagulat naman ako nang bumungad saken ang duguan na kwarto ni calvin, nakita ko din kaagad siya na walang malay at nakahandusay sa sahig, dali-dali kaagad akong lumapit sa kanya.

"Calvin?!"

Unti-unti naman siyang napadilat, napansin ko ang pagiiba ng kulay nang kanyang mga mata, ang kaninang brown na kulay ay nagiging dilaw na...he look so weak and fragile.

Blood lust, kaylangan nya yung dugo ni papa.

(Signs of the eye color changing: Red "Vampire", Gray "Dying", and Yellow "Weak")

"Noona." nanghihinang bulong nya saken.

"Hold on, tatawagan ko si papa." sabe ko sa kanya.

Nanginginig kong kinuha yung cellphone ko sa bulsa nang pantalon ko, nang makuha ko yon ay kaagad kong tinawagan si papa.

Hindi ko na din mapigilan ang pagtulo nang luha ko.

{Cali?}

Kaagad na sagot ni papa sa kabilang linya.

"Papa, si calvin." sabe ko, habang pinipigilan ko ang hikbi ko.

{Sige, papunta na ko dyan.} sabe nya saka ibinaba ang tawag.

Kaagad kong ibinaba ang cellphone ko, at hinawakan ang kamay ni calvin. Naramdaman ko naman na may pumasok sa kwarto, pero hindi ko nilingon yon.

"Anong nangyare?" nag-aalalang tanong ni demity at umupo din sa tabe ko.

Hindi naman ako sumagot dahil, tinitignan ko yung mata ni calvin na nagiiba nanaman ang kulay.

The Immortal DeathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon