16

59 4 0
                                    

Kairo's point of view

"Kairo ijo, dis-oras na ng gabi... Saan kaba nanggaling?" napaiktad pa ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni lolo mula sa likuran ko.

"Sa herondale." inayos ko ang suot kong jacket at dire-diretsong pumasok at naupo sa may sofa.

"Balita ko ay nawawala daw si Cali Fraine?" tanong ulit nya, naupo din sya katabi ko at tumango lang naman ako bilang sagot.

Bigla ko tuloy naalala si Demity at Sardius habang magkasama kanina. Magkakilala naba sila? Tsk, kung sinuswerte nga naman, parang sila narin ang gumawa ng sarili nilang patibong?

Napatawa ako ng mahina at bahagya pang napailing. Unti-unti ko ng nagugustuhan ang mga nangyayari.

"Konting panahon nalang." bulong ko pa't tumayo na ulit para pumasok sa kwarto ko.

"Maghanda ka, siguradong isa sa kanila ang makakalaban mo bukas." napahinto naman ako sa paglalakad at dahan-dahang nilingon si lolo.

"Maayos ng nakaplano ang lahat Kairo." dagdag pang aniya na hindi matawaran ang tuwang nararamdaman. "Sige na't magpahinga kana." yumuko nalang ako bilang pag-galang at nagpaalam ulit para umakyat sa kwarto ko.

Maayos ng nakaplano ang lahat? matagal naman ng ayos ang plano namin? anong ibig sabihin non?

Kinabukasan

Naglalakad nako papunta sa battlefield nang hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ng dalawang estudyante.

"Hindi na tama ang ginagawa mo?" rinig kong sabi ng babae.

Nagtago naman ako sa likod ng malaking puno at doon ay tahimik na nakinig.

"Hindi rin tama na sinasagot mo ako ngayon Emori." mataas ang tinig ng lalake, mahahalata ang inis sa tono ng boses nito.

"Pero hindi mo parin dapat ginawa yon?"

"Wala akong paki-alam! basta ang gawin mo lang ay sundin ang lahat ng sinasabi at pinaguutos ko!"

"May mga inosente ng nadadamay!" kalmado man ay hindi narin mapigilan ng kausap ang sumigaw.

"Hindi naman sila madadamay, kung wala silang ginawa diba?" maawtoridad na sagot ulit ng lalake.

Bahagya naman akong sumilip para makita ko ang nangyayari. Muntik pa nga akong mahuli dahil panay pala ang lingon ng babae mula sa gawi ko.

"Kahit na! wala naman sa usapan natin ang mga ganong bagay diba? nakikiusap ako sayo kuya... p-pwede pa namang itigil to diba? may magagawa kapa?" pagmamakaawa naman ng babae. Lumuhod pa ito, na agad din namang itinayo ng lalake.

"Sa tingin mo ba, kahit may gawin ako may magbabago pa?" sandali siyang tumigil kaya naman sumilip ulit ako. "Sa tingin mo ba kapag itinigil natin to, matatahimik pa tayo?" hinawakan niya ang balikat ng babae at tinignan ito ng diretso. "Kahit ikamatay ko... hindi ko hahayaang may mangyari sayo." rinig na rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga, pagkatapos ay umayos na ito ng tayo bago ngitian ang kausap. "Aalis nako mag-iingat ka." dagdag nya pa at wala naman na akong narinig na sagot mula sa kausap nya.

Sobrang intense naman non? nagtago ulit ako at hinintay na makalayo ang lalaki-- pero muntik na akong atakihin sa puso nang bigla ulit magsalita ang babae.

"Lumabas kana dyan." malakas ang boses na sabi nya. "Wag kanang magtago kung ayaw mong masaktan." dagdag nya pa at hindi ko alam pero lumabas nga ako habang naka'peace sign.

"Sorry, napadaan lang naman ako." nakamot ko pa ang batok ko dahil sa hiya. Peste! hindi naman ako ganito ha?

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo." ang taray naman nito? ibang-iba yung pinapakita nya sakin ngayon kumpara sa kausap nya kanina ah.

"Hindi ko nam---"

"Manahimik kana lang, pwede ba yon?" ano ba to? kanina nya pa ako sinisigawaan ha?

"Hindi ba talaga ko pwedeng magpaliwanag? kase naman dib---" napatahimik nalang ako bigla nang makita kong papalapit sya. "Sabi ko nga e, tatahimik na." tinakpan ko na nang kamay ang bibig ko.

"Apo ka nang may-ari ng school na to?" sobrang lapit naman ng mukha nya sakin.

"H-Ha?"

"Kairo Raizen Cregein, birthday March 9, Basketball captain, height... masyado kang maliit kumpara sa bunso namin." hindi ko naman namalayan na nasa kanya na pala ang I.D ko. Nanlait pa to! "Shut your mouth, alam ko namang marunong kang pakiusapan hindi ba?" pagkatapos, binalik nya ulit yon sa dibdib ko at nakangising umalis.

What the heck!? that was too close.

Amoy na amoy ko ang mint sa hininga nya. Pambihira! hindi manlang ako nakapagsalita.

***

"Hoy, kanina pa kita kinakausap." napabalik naman ako sa realidad ng may biglang sumampal sakin.

"Tangina, ano ba yon?" angil ko.

Ngumuso naman sya pababa at narinig ko ang sigawan ng mga tao. Pero imbis na sa tinuro nya ako tumingin ay huminto ang tingin ko sa babaeng nakatayo mula sa harap ko habang seryoso ding nanonood.

Kanina pa ako lutang dahil sayo! baka hindi ako makapagfocus sa lagay kong to. Kainis.

"Pinsan mo yan diba?" tumango ako. "Ang ganda nya."

"Masama ugali nyan." sagot ko naman at tinignan ang naglalakad na si Demity.

"Nasa lahi nyo nga." tumawa sya.

"Gusto mong mamatay?" angil ko naman at agad ay nanahimik sya.

"Oh!" turo na naman nya sa baba at lumakas ulit ang sigawan ng mga tao.

Tumingin ako sa pintuan at nakita ko mula doon si Cali. Mabagal na naglalakad at diretso lang ang tingin sa nakaupong si Demity na parang wala namang paki-alam sa nangyayari.

"Ate!" malakas na sigaw ni Calvin. Mukhang tuwang-tuwa.

Napabuntong hininga naman ako tsaka umiling. Tatayo na sana ako para lumabas saglit nang mapansin kong nakatingin sakin si Zendaya. Hindi naman masama yung tingin nya, hindi rin nakakatuwa-- pero bakit kasi kailangang tignan nya ko? Para naman akong mamamatay sa tingin nya kaya umiwas nalang ako.

"May problema yata sakin tong babaeng to e?" bulong ko at naupo nalang ulit.

"Ano? may sinasabi kaba?" tanong sakin ng katabi ko pero inambaan ko lang sya.

Nakagat ko ang labi ko, wala naman kasi talaga akong naintindihan sa mga narinig ko kanina. Kung may alam siguro ako, panigurado maiintindihan ko yon kahit sa maliit na detalye lang, kaso wala naman eh! Ang sama sama nya pang tumingin sakin.

"Goodluck!" at sa ikalawang pagkakataon nakabalik ulit ako sa reyalidad. Napaiwas nalang ako ng tumambad sakin ang kamay ni Zendaya.

"Oy, goodluck daw!" siniko ako ni Rouwan.

"I will give you a good fight." kindat pa sakin ni Zendaya at gusto kong magwala ngayon dahil ang layo ng sistema ko sa mga nangyayari.

"Walang babae babae tol ha, kahit mukha kang tanga kanina pa." ginulo pa ni Rouwan ang buhok ko kaya sinipa ko naman sya sa tuhod.

"Gagu ka!" angil ko at bumaba na.

Walanghiya naman! ako talaga agad? at talagang yung babaeng pang yon ang makakalaban ko?

Maayos ng nakaplano ang lahat. Ano naman ang ayos dito? Ibig nya bang sabihin...




TO BE CONTINUED ...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Immortal DeathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon