DEMITY AYNE'S POV
Nagulat ang lahat nang dahil sa ginawa ni Cali. Maski ako ay nabigla at sandaling hindi nakagalaw ng makita ko kung papaanong galit na pinugot nya ang ulo ni Audrey.
Gusto ko sana syang lapitan at tanungin ngunit agad naman syang umiwas at nagtatakbo palayo na agad sinundan ni Zendaya.
Umiling nalang ako at paulit-ulit na nagkuyom ng kamao. Nakakainis ang mga pangyayari. Hindi namin parehas inaasahan ni Cali na ganito kalala ang mangyayari. Hindi dapat ganito. Mukhang iniiba nila ang plano.
Ilang sandali pa, sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay nagpakita na naman sya. Ang hindi kilalang lalake. Bata palang kame ni Cali ay parati na namin syang nakikita, ngunit maski sino man saming dalawa ay hindi kilala kung sino sya. Kagaya nang dati ay sobrang lawak parin ng ngiti nya na animoy isang demonyo. Nakakatakot sya kung titignan ngunit hindi ang kagaya ko ang masisindak sa malademonyong ngisi nya.
"Dumrę zęvir." [Your next.] nabasa ko ang pagbuka ng kanyang bibig na tila ba may pagbabanta.
Napangisi naman ako at mataman lang syang tinitigan bago ko minura. "Fuck you." malutong ngunit walang boses na sambit ko na agad nakapagpakunot ng kanyang noo.
"Dumrę zęvir Demity Ayne, lęz ezquęs!" [Your next Demity Ayne, be ready.] muntik naman akong mapahalakhak sa muling bagbabanta niya. The heck, hindi ba sya nakakahalata na wala akong pakealam sa mga pinagsasasabi nya.
"Stop that shit, you moron." dinuro ko sya. Hindi ko parin maiwasang matuwa dahil sa pag-iiba na naman ng reaksyon nya. "Masyado ka nang naapektuhan, nagsasalita palang ako... Paano kaya kung gawa na ang pairalin ko! baka magtatakbo kana palabas dito." ni hindi ko manlang ininda ang sakit ng mga sugat ko sa katawan dahil sandali ko iyong nakalimutan nang dahil sakanya. "Sino kaba at anong ginagawa mo dito?" dahan-dahan ko siyang nilapitan na agad din namang umatras.
"Masyado kang matapang binibini, ni hindi mo na ako nakikilala." ang kilay ko naman ngayon ang napataas ng dahil sa sinabi nya.
Biglang nag-init ang buong katawan ko at parang may kakaiba sa naging daloy ng dugo ko. Medyo humapdi iyon na siyang nagpapanginig ng buong kalamnan ko. Para akong nahipnotismo ng dahil sa simpleng paglapit ko sakanya.
"A-Anong nangyayare?" malakas na sigaw ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Nakakapanibago, bakit parang kinain ko lahat ng sinabi ko dahil ngayon ay natatakot nako.
"See, i told you Ayne. You're next. Bitch!"
"Damn you!" gustuhin ko man syang sigawan at paulit ulit na murahin ay wala ng boses na lumabas sa bibig ko. Bigla ding nanlabo at naging kulay abo ang paningin ko, pati balat at buhok ko ay nagkulay abo rin. "Tangina mo! anong nangyayare sakin?" unti-unting sumakit ang dib-dib ko na para bang pinasisikip non ang paghinga ko.
"Akala ko ba tatakbo ako palabas dito e mukhang ikaw tong dehado." sumilay na naman ang malademonyong ngisi nya na syang lalong nakapagpahina sakin.
Napaluhod na ako sa sobrang panghihina nang biglang sumagi sa isip ko ang magkapatid. Sinubukan kong tumayo ngunit mas lalo lang nanlabo ang paningin ko na ngayon ay kulay pula na. Masakit sa mata. Nakakapaso.
"Demity, ayos ka lang ba?" hindi ko makita kung sino ang tumulong sakin pero tumango ako.
"N-Nasan si Calvin... s-si Cali nasan." tanong ko. Tinulungan nya naman akong tumayo pero natumba parin ako kaya napayakap ako sakanya. "Please wag nyo silang hayaan na makalabas dito... please." pagmamakaawa ko. Nakakainis! baka kung ano pang gawin ng lalaking yon sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Immortal Deathless
VampireFor love and sacrifices heart is still beating. Beyond the battlefield, begins with blood, wiped out sweats and trickled tears heart is always fighting. Come and Join me discover the unusual passion, In Life or to Death? The Immortal Deathless. ...