Sardius Calhoun's POV.
Umalis ako sa field at iniwan ang mga kagrupo ko don. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako? hindi ko alam kung bakit pag dating sa kuya ko naiisantabi ko ang kahinaan ko at tanging ang matinding galit nalang ang nangingibabaw sa sistema ko.
Naging malalim ang pag-iisip ko habang naglalakad, hindi ko tuloy sinasadyang may makabangga.
"I'm sorry!" Sya ang unang nagpaumanhin.
"Sorry!" Sagot ko nalang din at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Calon!" Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay narinig kong muli ang pagtawag na iyon...kung hindi ako nagkakamali ay iisang tao lang ang tumatawag sakin non.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko sya hinarap. Unti-unti namang napawi ang galit ko nang sumilay na ang ngiti sa mukha nya.
"Taurus!" Hindi ko naman malaman kung ano ang ikikilos ko? ngingiti ba ako o lalapitan sya para yakapin?...nang dahil sa wakas ay nagpakita na ulit sakin ang bestfriend ko.
"Oledosubnida!" Lumapit sya sakin at niyakap ako.
"Y-Yeah! it's been a long time." Niyakap ko rin sya pabalik.
"jal jinaess-eoyo?" napapakurap pa ako ng hindi ko alam ang isasagot ko.
"I'm f-fine." Ngumiti ako tsaka ko sya tinapik sa braso. "Wala tayo sa korea, magtagalog kana lang." Napapahiya naman syang tumango.
Ang awkward para sakin ang nangyayari ngayon, ang tagal kasi naming hindi nagkita. Almost 3 years...pagkatapos niyang umalis sa grupo ay wala na akong naging balita sakanya, dahil kahit naman magtanong ako' wala din akong nakukuhang sagot. Oo nagalit ako noon, pero nang malaman ko ang dahilan nya ay pinili ko nalang na maniwala.
"Wala paring pinagbago dito sa Herondale no?" maya-maya'y tanong nya. hindi naman agad ako nakasagot dahil sa pag-iisip ko.
"A-Ah! oo ganon parin, mas maraming namamatay sa maling paraan, maraming nadadamay dahil sa maling dahilan. Nakakatakot na dito." Tumango-tango pa ako. "Simula kasi ng mapalitan ang Dean ay, mas lalong naging dicey ang pamamalakad ng paaralan." Tinignan ko sya pagkatapos kong magsalita at nakita kong nakatitig lang sya sakin kaya nahiya pa ako.
Sa totoo lang ay malaki talaga ang ipinagbago nya. hindi lang itsura at hubog ng katawan, pati narin ang pakikitungo nya sakin. Dati kasi ay parati syang may biro kapag magka-usap kami, ngayon naman ay iiwasan mong makapagbiro dahil baka masapak ka nya. Masyado na syang seryoso.
"Have something wrong with my face?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. agad naman syang nag-iwas ng tingin tsaka nakakalokong ngumiti.
"Nagmatured kana Calon, akala ko ikaw parin yung baby boy ko dati eh." Tatawa-tawa pa sya. muntik naman akong napa-irap ng marinig ko na naman ang baby boy na pagtawag nya sakin.
"Tss. Ikaw wala ka paring pinagbago! binubully mo parin ako." Sagot ko naman sa kanya at bahagya pang lumayo.
"Hahaha! biro lang, baby boy naman." Nang-aasar na namang aniya.
"Inulit pa, matindi ka talaga Tarush!" Nagkunwari akong sisipain sya pero naunahan nya ako't inipit agad ang leeg ko sa braso nya. "Wag yung buhok ko." Suway ko pa nang guluhin nya yon.
BINABASA MO ANG
The Immortal Deathless
VampireFor love and sacrifices heart is still beating. Beyond the battlefield, begins with blood, wiped out sweats and trickled tears heart is always fighting. Come and Join me discover the unusual passion, In Life or to Death? The Immortal Deathless. ...