5: CONFUSED

79 9 1
                                        

CALI FRAINE'S POV.

Halos mag 3AM na pero nandito parin kame ni demity sa training hall, kung saan kame nag sasanay para maging malakas at maging magaling sa pakikipag laban.

Kame nalang dalawa ang nandito at ang iba ay nag papahinga na, hindi pa ko nakakaramdam nang pagod kaya nag training nalang ako, kahit siguro si demity ay hindi parin nakakaramdam nang pagod dahil kanina pa siya nag sasanay sa espada nya.

Ako naman ay kasalukuyang nag sasanay sa pag baril, alam kong bihasa na ako sa ganito pero ang sinasanay ko ay yung pag baril sa tao na dapat ay hindi siya mamamatay, gusto ko yung daplis lang.

Sinanay kase kame nang ibang trainer namin sa verzianda, na pag daw binaril namin ang kalaban namin ay dapat yung ikamamatay na kaagad nila. Kaya nasanay kame nila demity na sa ikamamatay na spot nang kalaban ang dapat tirahin.

At dahil sa nakasanayan na yon....

"Wala kabang balak mag pahinga?"

Napalingon ako kay demity na nagpupunas na nang pawis nya.

Umiling ako.

"Kanina kapa, bumabaril dyan. Panay ulo at puso ang natatamaan sa target, hindi ka paba titigil?"

Binaba ko muna ang baril na hawak ko saka ko siya hinarap.

"Hindi ko kase matamaan yung tamang target na gusto ko." mahina kong sabe sa kanya.

Napansin ko naman ang pagiling nya.

"Yung daplis? Alam mo cali, wag mong sanayin yung sarili mo sa ganon. Hindi ka makakapatay kong sasanayin mong bumaril ng daplis lang sa kalaban." sabe nya.

Yumuko lang ako at hindi nag salita.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya.

"Alam ko yang iniisip mo, iniisip mo nanaman yung dati? Akala ko ba napagusapan na natin to? Look fraine, it's not your fault. okay, Ginawa mo lang yung tama. Kaya wag mong sisihin yang sarili mo, may dahilan ka kaya ginawa mo yon." sabe nya.

"Tama ka, ginawa ko lang yung tama pero..pumatay pa rin ako, bata pa ko non demity' at dahil don nakulong ako nang ilang taon sa nagawa ko, pero kahit naman nakulong ako ng ilang taon sa zarcassa, hindi pa din non mabubura na makasalanan ako. Pumatay pa din ako demity, pumatay pa din ako ng mortal."

Seryosong nakatingin lang siya saken.

"Alam mo ba kung gaano ako nag sisisi non, Alam mo din bang yon, Ang kauna-unahang mortal na napatay ko. Alam naman nating pinagbabawal sa verzianda na pumatay nang isang mortal pag wala namang ebidensya na may kasalanan ang mortal na yon. Pero sinaktan nya si calvin e. Kaya ko nagawa yon. Pero hindi sapat na dahilan yon para patayin ko siya diba? Kaya mali pa din yung nagawa ko. Nakasira pa ko nang pamilya."

Hindi ko napigilan ang pagpatak nang luha ko na kanina ko pang pinipigilan.

"Kaya nga gusto kong bumawi sa pamilya na nasira ko, sa pamilya nang napatay ko. Ang kaso, bigla nalang din silang nawala na parang bola. Tinry ko silang hanapin pero, hindi ko naman alam ang mga pangalan nila kahit, apelyido manlang hindi ko din alam. Kahit yon man lang ang kabayaran nang nagawa ko, ang bumawi sa pamilya ng napatay ko. Kahit yon lang para naman mawala na yung guilt sa loob ko." sabe ko saka yumuko, para punasan ang luha ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni demity at naramdaman ko din ang pag hawak nya sa balikat ko, kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam kong napatawad ka na nya dahil alam nyang nag sisisi ka sa nagawa mo sa kanya, kaya sana mapatawad mo na din yung sarili mo. Ayokong matulad ka sa iba na humina dahil sa takot na makapatay ulet, pero fraine sana hindi makasagabal yan sa misyon natin..tandaan mo, may mga mortal din tayong makakalaban sa misyon na to, kaya sana lakasan mo yang loob mo...para sa verzianda, tayo nalang ang inaasahan nila, kaya sana isantabi mo muna yang takot mo." sabe nya habang nakahawak pa din sa magkabila kong balikat.

The Immortal DeathlessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon