(Jass' Pov)
Nanlaki ang mga mata ni Rein ng makarating kami sa bar na kinakantahan ng kuya niya. "Wow kuya, ang ganda ng bar niyo." bulalas ni Rein."Maganda?!" mapaklang sabi ko. "Nasaan? E ganyan naman talaga ang mga bar di ba?"
"Hoy sis, bakit parang di maipinta yang mukha mo? Napano ka ba?" saway ni kuya Jeth sa akin.
"Di ba nga sabi ko sa inyo na ayokong sumama, pinilit pilit niyo pa kasi ako." nakabusangot kong sagot.
"E ano namang gagawin mo sa bahay sis?"
"Wala!" sagot ko.
"Ang mabuti pa Jass, pasok na lang tayo sa loob. Baka doon ay magbago na ang mood mo." yaya sa amin ni kuya Ryle.
"Oo nga ate, wag ka ng sumimangot diyan. Nababawasan ang kagandahan mo!" sabat naman ni Rein.
"Nambola ka pa Rein. Siya sige!" pumayag na lang ako sa gusto nila.
"Ryle!!" isang boses mula sa likod ang narinig naming tumawag kay kuya Ryle. Sabay-sabay kaming lumingon, nakita naming nakatayo sa likod namin ang tatlong matatangkad na lalake.
"Oy, Tristan!" sabi ni kuya Ryle saka nilapitan ang isa sa mga lalaki. "Kanina pa ba kayo?"
"Hindi naman, kararating pa lang namin." sagot nung Tristan.
"Nga pala guys baby sister ko, si Rein." inakbayan ni kuya Ryle si Rein. Kumaway naman sa mga ito si Rein.
"Beautiful sister Ryle. Nice meeting you Rein." sabi niya.
"And of course, mga pinsan namin." tinuro niya kami ni kuya Jeth.
"Oh hi, Jeth Atillano bro." pakilala dito ni kuya Jeth. "Siya naman ang baby sister ko, si Jass." pakilala niya sa akin.
"I'm Jass Atillano." pakilala ko naman pero hindi ko matanggal-tanggal ang paningin ko kay Tristan.
"Your so pretty Jass, ang swerte ng kuya mo. Ang ganda ng kapatid niya. And of course, ikaw din Ryle. Ang gaganda ng lahi niyo." puri nito sa amin.
"Ang gwapo mo rin." wala sa loob na nasabi ko.
"Ha?" tanong ni Tristan.
"Ay wala!" bawi ko agad
"Guys, mga kapatid ko. Meet my brothers, Zorren and Paulo." pakilala nito sa mga kapatid na kumaway naman sa amin.
"Sis, Jeth and Jass, sila ang mga kabanda ko. And they are the Mendoza brothers!" singit ni kuya Ryle.
"Oh?" sambit ni kuya Jeth. "Nice to meet you guys!" nakipagkamay siya sa mga ito.
"Ako rin!" sabi ko rin. "Kinagagalak naming makilala ang isa sa pinakamayamang pamilya dito sa lugar natin."
"Your welcome." nakangiting sabi nito at halos naman matunaw ang puso ko. "Pero pangatlo lang kami dahil ang mga Fontanilla ang nangunguna dito sa atin."
"Ah guys, sa loob na lang tayo mag-usap." sabat na naman ni kuya Ryle.
Napaismid ako, kahit kelan talaga panira sa moment si kuya Ryle. Papasok na kami ng bar ng biglang may nahagip ang mga mata ko. "Kuya, may titingnan lang ako dun ha? Sandali lang, susunod agad ako." paalam ko kay kuya. Matapos tumango ni kuya Jeth ay pinuntahan ko na ang nakita kanina.
(Jeth's Pov)
"Nasaan si Jass?" tanong sa akin ni Ryle ng mapansing wala ito sa likod ko."Nagpaalam sa akin, may titingnan lang daw siya sa labas, susunod din yun Ryle. Yaan mo na para matanggal ang konting agiw sa utak." bulong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE PROFESSIONAL
ActionAno nga ba ang mas matimbang? Ang pag-ibig o ang propesyon? Ganito ang naramdaman ni Jass Atillano ng makilala niya si Travis Valencia. Isang gwapong doctor na isinasangkot ng isang mayamang donya sa biglaang pagkawala ng anak nito. Natuklasan niyan...