(Josh's Pov)
"Good Evening Papa!" bati sa akin Josh nina Jeth at Jass ng makababa na sila. Napangiti ako sa saya dahil sa wakas ay nakapiling ko na ang mga anak kong inilayo sa kanya ni Xyza dahil lamang sa pagtatampo. Kahit kelan hindi ako tumigil sa paghahanap sa kanila kaya naman laking tuwa ko ng makita ko noon si Jass sa labas ng Evergreen Bar and Restaurant. Nabangga ko pa siya. Hindi agad ako nakapag-sorry dahil nagmamadali ako pero ng mapansin ko ang mukha niya ay napabalik ako ng bar. Noong una ay inakalang kong namalikmata lang ako dahil kamukha niya ang asawa ko pero ng sumilip ako ulit sa bar ay napansin kong medyo bata siya. Ng mapalingon ako sa direksyon ni Jeth ay nasiguro ko nh sila nga ang mga anak ko. Nagtanong-tanong ako sa mga nakakakilala sa magkapatid hanggang sa malaman ko kung saan sila nakatira. Sa awa ng diyos ay kapiling ko na sila ngayon.
"Kumain na tayo." sabi ko sa kanila. Kumpleto na kaming lahat sa hapag-kainan. "Ako ang nagluto niyan."
"Wow! Sigurado akong masarap ito." sabi ni Jass.
"Siyempre naman. Kaya nga nain-love sa akin ang mama niyo e." pagmamayabang ko. Isa akong chef sa isang cruise ship. Doon kami nagkakilala ni Xyza.
"Sir Josh, pwede po bang magtanong?" biglang sabi ni Krista habang kumakain kami.
"Ano yun?" hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Hindi po ba naging girlfriend kayo dati ni Detective Xyza Fontanilla?" walang gatol na tanong nito.
Napatingin ako sa mga anak ko at pamangkin. Kinakabahang tumingin din sila sa akin. "A oo, pero as you can see hindi kami nagkatuluyan. Hindi ko kinaya ang nature ng trabaho niya." sabi ko habang lihim na nananalangin na sana ay makalusot ang dahilan ko.
"E sino po ang nanay nina Jass? Bakit hindi Montanes ang gamit nilang apelyido?" si Kassey naman ang nagtanong.
"Isang pure Irish ang nanay nila, pinsan ng nanay nitong sina Ryle at Rein na hindi rin nakilala ang ama nila." pagsisinungaling ko. nag-sorry ako sa kaluluwa ni Menard dahil sa mga sinabi ko.
"Ganun po ba? Pero alam niyo po, kamukha po ni Jass si detective Xyza. Kung hindi lang namin alam na hindi kayo nagtuluyan e maiispan siguro naming mag-ina sila." nakangiting turan naman ni Korine.
Napasinghap ako para punuin ang baga ko ng hangin. Hindi naman kasi talaga maitatanging kamukha ni Jass si Xyza! "Well, sa kasong yan. Napaglihian ng mama ni Jass si Xyza. Noong time na parati silang laman ng mga balita. Gandang-ganda siya noon kay Xyza kaya ayan, kamukha tuloy siya ng anak namin." hindi ko alam kung anong mga parusa ang makakamit ko dahil sa pagsisinungaling. Hindi nila pwedeng malaman ang totoong pagkatao ng mga anak ko. Hindi pa ngayon!
"Pero sayang no? Kung buhay siguro ngayon si detective Xyza, masaya sana kayo kahit hindi siya ang mama niyo." sabi ulit ni Krista.
"Oo nga e! Gusto ko pa naman siyang makita ng personal kaso patay na siya e. Salamat dahil sa kanya ay gumanda ako." sabi ni Jass habang nakangiti sa akin. Sinalo ako ng anak ko sa pag-iinterogate ng mga ito.
"Ah guys, kain na tayo. Mag-paparty pa tayo sa beach!" agaw atensyon naman sa kanila ni Jeth.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na magtanong ang magkakapatid na Valencia. Palihim akong kinindatan ng mga anak ko.(Travis' Pov)
Dahan-dahang akong lumalakad sa buhanginan habang tinatakpan ang mga mata ni Jass. Dinala ko siya sa lugar na medyo malayo sa mga kasamahan namin na kasalukuyang nag-jajaming sa dalampasigan.
"Hoy Travis! Ano ba! Bakit ba kasi may patakip-talip ka pa ng mata?" reklamo ni Jass.
"Dito na tayo." tinanggal ko ang mga kamay ko sa mga mata niya.
Nakita kong napanganga si Jass sa pinakita ko. Nakasulat sa buhangin ang mga salitang 'JASS, I LOVE YOU' at sa baba nito ay may nakalagay na 'WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?' Nagtatakang napatingin siya sa akin.
"Anong trip ito doctor Valencia? Lasing ka ba?" natatawang sabi niya.
"Trip? Jass, hindi mo pa ba nahahalatang nanliligaw na ako sayo?" hindi kaya ako natulog kaninang hapon para lang sa surprise na ito.
"Nahahalata. E bakit may mga paganito ka pa? Gumimik ka pa e pwede mo naman akong tanungin."
"E baka kasi bastedin mo ko e." napakamot ako ng ulo.
"Sandali nga, seryoso ka ba talaga? Baka naman nabibigla ka lang? Diba sabi mo dati, amazona ako?"
"Dati yun, pero noong makilala ko kung sino ka talaga hindi ko alam bigla akong nagkagusto sayo tapos hindi na kita malimutan." nahihiyang paliwanag ko. Gusto ko na talagang matapos ang paghihirap ko e kaya inamin ko na!
Napangiti si Jass. "Ang cute mo pag nagbablush ka." tinukso niya ako. "Travis, baka kasi hindi ko kayang maging girlfriend mo."
"What do you mean?"
"Alam mo namang may pagkamaldita ako diba? Baka lage lang tayong mag-away at ---" tinakpan ko ng daliri ang labi niya para tumigil.
"Wala akong pakialam kahit gaano ka kamaldita o kasuplada basta mahal kita Jass. Totoo." hinawakan ko ang mga kamay niya. "Pangako, hindi kita sasaktan. Be my girlfriend Jass Atillano."
BINABASA MO ANG
THE PROFESSIONAL
ActionAno nga ba ang mas matimbang? Ang pag-ibig o ang propesyon? Ganito ang naramdaman ni Jass Atillano ng makilala niya si Travis Valencia. Isang gwapong doctor na isinasangkot ng isang mayamang donya sa biglaang pagkawala ng anak nito. Natuklasan niyan...