(Krista's Pov)Pagkatapos ng birthday nina Jeth at Paulo ay nagtagal pa kamin ng limang araw sa resort para makapag-bonding. Nang araw na uuwi na kami ay hindi sumama sa amin ang anak ni Jeth dahil mas gusto pa nitong maligo sa dagat. Pumayag naman si Jeth dahil naandon naman ang papa nila para mag-alaga kay Megan. Nagpasya kaming dumiretso na lang sa sarili naming mga bahay para makapagpahinga ng maayos.
"Sir Travis, may naghahanap po sa inyo." sabi kay Travis ng kasambahay namin.
"Papasukin niyo na lang po." utos niya naman habang nakaupo kaming lahat sa sala.
Pumasok sa sala ang isang matangkad at gwapong lalaki. "Magandang araw po doctor Valencia." bati nito sa akin.
"Oh Elljay, kumusta? Anong gusto mong inumin? May balita na ba?" tanong niya sa lalaki.
Siya si Elljay Mondragon. Isang private inspector, kinuha ni Travis serbisyo niya para alamin kung sino ang detective na binayaran ni donya Mendiola para mag-imbestiga sa kanya.
"Salamat doc pero busog pa ako." umupo ito sa bean bag na nasa harapan namin. "Napag-alaman ko pong nag-quit na sa kaso ang inupahang detective ni donya Mendiola, hindi ko po alam ang dahilan." sabi nito.
"Kilala mo ba siya? Siya rin ba ang detective na umakyat noon sa kwarto ko?"
"Opo doc kaso hindi ko pa po alam ang pangalan niya pero doc, napakaganda po ng detective na yun."
"Babae?" gulat na tanong ng bunso namin. Napatingin siya sa amin. "Sabi ko sa inyo ate, babae talaga yun e." sabi niya.
"Oh well, napakahusay niya kung ganun. Imagine natalon niya ang terrace mong napakataas." sabi ni Korine.
"Hindi na po nakakapagtaka yun doktora. Sa Fontanilla Detective Agency po siya nagtatrabaho."
"Kaya naman pala. Isang professional. Salamat sa impormasyon Elljay. Kailangan kong makilala ang babaeng yun, may mahalagang bagay siyang kinuha sa akin!" sabi ulit ni Travis kay Elljay.
"Opo doctor Valencia, mauna na po ako. Babalik na lang po ako kapag may impormasyon na ko." anito saka tumayo na sa bean bag at umalis na.
"Bwiset na matanda yan! Talagang doon pa siya kumuha ng serbisyo sa lahing sinusumpa ko!" galit na sabi ni Travis.
"What?" react ko sa sinabi niya. Napatingin ako kay Kassey at Korine. Kahit sila ay nagulat din. "Anong sabi mo Trav?" tanong ko dahil naguluhan ako sa mga sinabi niya.
"Yes! You heard it right ate, galit ako sa mga Fontanilla." nakatiim ang bagang na sabi ng bunso namin.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang mga pinagsasabi niya.
"Dahil pinatay nila sila daddy at mommy!"
My gosh!! Gulat na gulat ako sa mga lumabas na salita mula sa bibig ni Travis. Hindi agad ako nakapag-react.
"Bro! Alam mong hindi totoo ang sinasabi mo!" sabi ni Korine na siyang unang nakapag-react sa aming lahat.
"Alam ko ate, pinatay nila ang mga magulang natin. Kitang-kita ko! Kahit kelan hinding-hindi ko mapapatawad ang mga Fontanilla! Lalo na si Detective Xyza Fontanilla!" biglang tumayo si Travis at umakyat sa kwarto.
Ni hindi ko siya nagawang pigilan dahil sobrang na-shock ako sa mga sinabi niya. Nakarecover lang ako ng hawakan ni Tristan ang kamay ko. Tumingin ako sa kanilang lahat. "Bakit hindi niya sinabi sa atin? Hindi tuloy natin naitama ang maling paniniwala niya." tumingin ako kay Korine at Kassey.
"Totoo bang ang mga Fontanilla ang pumatay sa mga magulang niyo?" tanong ni Paulo.
"Hon hindi!" sagot ni Korine. "May naglagay noon ng bomba sa hospital namin. Nag-aaral pa kaming tatlo noon at si Travis ay laging kasama ni Papa at Mama sa hospital. Dumating sina Detective Xyza at Lyra sa hospital para i-dispose sana ang bomba pero huli na, sasabog na ito."
"Pero paanong nakaligtas si Travis?" tanong ni Zorren.
"Iniligtas siya ni Detective Xyza Fontanilla. Una siyang inilabas nito. Bumalik si detective Xyza sa loob para iligtas ang mga magulang namin at dahil naandon pa rin si detective Lyra pero biglang sumabog ang bomba. Namatay silang lahat." paliwanag naman ni Kassey.
"Kaya nga hindi namin maintindihan kung bakit ganun ang paniniwala ni Travis. He should be thankful dahil kung hindi dahil kay detective Xyza Fontanilla ay patay na rin sana siya ngayon." sabi ko.
"Ah.. tita Krista, if you don't mind po e ako na lang po ang kakausap kay kuya Trav." sumingit sa usapan namin ang kanina pa nakikinig na si Axel.
"Thanks Axel, sana mapaliwanagan mo siya." ngumiti ako sa kanya. Alam kong mapapaliwanagan nito si Travis. Sana talaga.
"Opo." sabi nito saka umakyat na sa kwarto ni Travis.
Niyakap ako ng asawa ko. "Magiging ayos din ang lahat Hon." sabi niya na ikinapalagay ng loob ko.
BINABASA MO ANG
THE PROFESSIONAL
ActionAno nga ba ang mas matimbang? Ang pag-ibig o ang propesyon? Ganito ang naramdaman ni Jass Atillano ng makilala niya si Travis Valencia. Isang gwapong doctor na isinasangkot ng isang mayamang donya sa biglaang pagkawala ng anak nito. Natuklasan niyan...