CHAPTER SEVEN

0 0 0
                                    

  (Jass' Pov) 

  "Wow!!! Ang ganda nga pala talaga dito no?" humahangang sabi ni kuya Ryle pagkapasok namin ng La Fontanilla mall. 

"Infairness, maganda ang pagkakadesign ng mall na ito." dugtong ni kuya Jeth. "Siguradong matutuwa ang mga magulang natin kung buhay pa sila. Isa ito sa mga pangarap nila e." 

 "Kuya Ryle! Pupunta muna ako ng bookstore!" sabi ni Rein. 

 "Sasamahan kita sis. O pano Jeth, hiwalay muna tayo." sabi niya kay kuya Jeth. 

"Sure Ryle, para makabonding naman natin ang mga makukulit nating mga kapatid."

 "Bye ate, kita tayo mamaya!" sabi ni Rein sa akin. 

"Bye din Rein. Tawagan mo ko kung saang restaurant tayo kakain mamaya." bilin ko sa kanya. 

"Yes ate! Enjoy." anito saka hinila si kuya Ryle papasok ng bookstore. 

 "Halika na kuya, doon tayo sa department store!" hinila ko naman si kuya Jeth paakyat ng escelator. "Mamimili tayo ng mga bagong damit mo." pumasok kami sa department store. "Wow, kuya! Ang ganda nito o, bagay sa iyo to." ipinakita ko sa kanya ang tatlong damit na may iba't-ibang kulay. 

 "Saan mo nakuha ito?" 

 "Diyan lang!" tinuro ko ang isang estante na punong-puno ng mga panlalaking damit. "Sale kuya, kaya damihan mo na! At ako ay pupunta muna ng CR."

 "O sige, bilisan mo lang ha?"

 "Yes kuya!" agad akong tumakbo papunta ng palikuran pero napatigil ako ng makitang pumasok doon si Donya Mendiola. Dali-dali akong bumalik sa kuya ko na tapos na rin mamili ng mga damit. "Kuya, kuya!"

"O bakit? Para kang nakakita ng multo?" natatawang tanong ni kuya. 

 "Hindi multo ang nakita ko kundi bruhang mangkukulam!"

 "Ha?!"

 "Si Donya Mendiola, nakita kong pumasok ng CR." 

"Nagkita kayo?" 

 "Hindi! Hindi na ko pumasok ng CR baka sikmurain ako pag nakita ko siya." 

 "Hahaha!!" tawa ni kuya Jeth. "Kahit kelan talaga Jass, loka-loka ka! Bayaran na nga natin ito." pumila na si kuya sa counter. 

 Napataas ang kilay ko ng marinig ang pag-uusap ng dalawang sales lady. 

 "Ang gwapo ng lalaki no?" kinikilig na sabi ng isa.

 "Oo nga, swerte naman ng babaeng kasama niya." sang-ayon naman ng isa. 

 "Mga miss, wag niyo nga kaming pinagchichismisan ng kuya ko!" mataray na sabi ko sa dalawa. Hindi ko na napigilan ang mag-comment. Pagkamalan ba kaming magboy-friend? Di ba nila napansin magkamukha kami? 

"Jass? Bakit nang-aaway ka ng saleslady? Ano ka ba!" saway sa akin ni kuya. 

 "Wala kuya, tapos ka na ba? Baba na tayo, baka naghihintay na sila kuya Ryle." nauna na ako maglakad. 

"Pasensya na kayo sa kapatid ko, mga miss." sabi ni kuya sa mga saleslady kaya napalingon ako. 

 "Kuya! Lika na!" tawag ko sa kanya. Agad namang sumunod si kuya. Napangiti ako, hindi na nakakapagtakang pangpantasyahan siya ng mga babae dahil ang gwapo naman talaga ang kuya ko.

(Jass' Pov)

 Nakita namin sina kuya Ryle at Rein na nakaupo sa loob ng isang Irish Restaurant, agad kaming lumapit sa kanila. 

 "O ate kumusta ang pamamasyal niyo ni kuya Jeth?" tanong ni Rein ng makaupo na kami. 

 "Ayos lang.. namili kami ng mga damit ni kuya. Punta ka din dun mamaya kuya Ryle, ang daming sale!" sagot ko tapos ay naupo sa harap ni Rein. 

THE PROFESSIONALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon