CHAPTER FOURTEEN

0 0 0
                                    


(Jeth's Pov)

              Nagulat ako ng mabangga ni Tristan ang likod ko. Pagdating namin doon ay naghiwalay kami ng mga kapatid namin para maghanap.

               "Jeth? Anong ginagawa niyo dito?" tanong sa amin ni Tristan.

               "Andito kami para tumulong. Nalaman namin dahil aksidenteng natawagan ni Travis si Jass."

              "Maraming salamat!" sabi niya. Nakipagkamay naman sa amin sila Paulo at Zorren.

              "Magiging ayos din ang lahat Tris." inakbayan ni Ryle ang kaibigan namin. Nagulantang kami ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. "Diyos ko! Sana ligtas sila." dasal ni Ryle. Alam kong nag-aalala siya kay Rein. Ako rin naman dahil andun din si Jass.

             "Kuya Ryle!!" napalingon si Ryle sa tumawag sa kanya.

              "Rein!" agad nitong tinakbo ang kapatid niya Kasama nito si Axel, si Travis at ang mga ate nito.

               Isa-isang niyakap nila Tristan ang mga asawa nila. Kitang-kita sa mukha nila ang labis na pag-aala.

             "Niligtas kami ni Jass." narinig kong sabi ni Korine. "Inakyat niya ang mataas na bintana para mailabas kami sa kwarto na yun."

               "Pero nasaan si Jass! Nasaan ang kapatid ko? Bakit hindi niyo siya kasama?" hesterikal na tanong ko ng mapansing wala pala doon ang kapatid ko.

              "E kuya, napaiba ata ng direksyon natakbuhan si ate kaya napahiwalay siya samin. Nagulat kasi kami ng paputukan ng lalaki kaya nagkanya-kanya kami ng takbo." sagot ni Rein.

              "Shit!" dinukot ko ang baril sa bulsa ko at naglakad palayo.

              "Jeth, saan ka pupunta?" narinig kong tanong ni Ryle.

              "Hahanapin ko ang kapatid ko! Bantayan mo sila Ryle. Dalhin mo na sila sa sasakyan". sagot ko.

              "Kuya Jeth, sasama po ako." humabol sa akin si Travis.

              "Hindi na Travis, obligasyon kong hanapin ang kapatid ko. Salamat sa pag-alala mo. Pero mas kailangan ka ng mga ate mo. Ilayo mo na sila dito, wag mong sayangin ang pagliligtas sa kanila ni Jass."

             "Opo kuya!" sabi ni Travis at bumalik na sa mga ate niya.

             Nagpatuloy naman ako paglalakad. Hahanapin ko si Jass sa anumang paraan.

(Jass' Pov)

            "Reeein!!!" tawag ko sa pangalan ng pinsan ko. Hindi ko napansin na napahiwalay ako sa kanila dahil nagtatakbo kami. "Travis! Asan na ba kayo?!" sigaw ko ulit.

           "Jaaaass!!" isang boses ang narinig ko mula sa kung saan.

            "Kilala ko ang boses na yun, kuya Jeth! Kuyaaa!!" tumakbo ako sa pinangalingan ng boses. Nakita ko ang kuya ko na nakatayo sa gitna ng dalawang puno at may hawak na baril sa kanang kamay. "Kuya ko!!!" patakbong ko siyang niyakap.

           "Susmaryosep Jass! Saan ka ba nagsususuot ha? Bakit napahiwalay ka sa kanila?" nag-aalang tanong niya sa akin.

             "Sorry kuya, ibang direksyon ang natakbuhan ko." kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya. "Asan na sila?"

              "Wag ka nang mag-alala, magkakasama na silang lahat. Nagtaka ako kung bakit ikaw lang ang wala sa kanila kaya nagpasya akong hanapin kang mag-isa."

THE PROFESSIONALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon