CHAPTER FIFTHTEEN

0 0 0
                                    


(Travis' Pov)

"Diyos ko! Buti na lang ligtas kayong lahat!" bulalas ni tito Josh ng makarating kaming lahat sa bahay ng mga Atillano. Hindi ko napigilan ang humanga sa bahay ng mga ito. Ang mga Atillano ang pang-apat na pinakamayaman sa lugar namin. Naunahan pa nila sa kayamanan si donya Mendiola.

"Siyempre naman Pa!" niyakap ni Jass ang ama niya. "Kamag-anak yata natin ang mga Avengers!"

Natawa si tito Josh sa sinabi ng anak niya, kahit ako ay hindi napigilang ngumiti. Kahit sa oras ng pag-aalala ay nagagawa pa rin ni Jass na magpatawa.

"Anyway Jeth, may bisita ka nga pala!" sabi ni tito Josh kay kuya Jeth.

"Sino Pa?"nagtatakang tanong naman ni kuya Jeth.

"Surprise!!" biglang lumabas mula sa kusina ang isang cute na batang babae.

"Megan!!!" sigaw ni Jass na tinakbo ang bata at niyakap ng mahigpit.

"Mama Jass!" tuwang-tuwa na niyakap ng bata si Jass. Napakunot ang noo ko dahil mama ang tawag nito kay Jass. 'Anak ni Jass?' tanong ng utak ko.

"Kelan ka dumating? Sino ang kasama mong pumunta dito? Bakit hindi ka nagsabi samin? Daya mo ah!" sunod na sunod na tanong ni Jass.

"I just want to surprise you!" tapos ay tumakbo ito kay Ryle at kay Rein. Niyakap nito ang dalawa saka yumakap kay Jeth at humalik sa pisngi nito.

"Anak, may babaeng tumawag dito kanina. Pinapasundo si Megan sa airport, noong una hindi ko na-gets pero nong sabihin niyang anak ni Jeth. Dali-dali kong sinundo ang apo ko." paliwanag ni tito Josh.

Nakahinga ako ng maluwag. Anak pala ito ni kuya Jeth at mama lang tawag kay Jass.

"Sino ang tumawag Pa? Siya ba ang kasama ni Megan pagpunta dito?" tanong ni kuya Jeth.

"Oh that's nanay Sandra!" biglang singit ng bata.

"Ahh.. where is she?" ---kuya Jeth.

"She's going somewhere."

"What do you mean?"

"A anak, ang ibig sabihin ni Megan e may pinuntahan lang. Pupunta siya dito mamaya para makausap niyo." sabi ni tito Josh.

"Ang cute-cute naman ng anak mo kuya Jeth!" hindi ko na napigilan ang mag-comment.

"Who are they daddy?"tiningnan kami isa-isa ng bata.

"They are our friends! They are the two of the richest family here in La Fontanilla. The Valencia amd Mendoza." sagot ni kuya Jeth. "You say hello to them and introduce yours self but in tagalog."

"Ok daddy. Hello po sa inyong lahat, ako nga po pala si Megan Atillano. Dito na po ako titira sa Pilipinas kasama ni daddy Jeth at ni mama Jass. Siyempre kasama na rin sina daddy Ryle at tita Rein with my lolo Josh."

Napanganga kaming lahat ng marinig ang diretsong pagsasalita ng tagalog ni Megan.

"Wow! Ang galing!" react ni ate Korine. "Paano nangyari yun?"

"Pilipina ang yaya niya sa Ireland kaya magaling siya magtagalog. Para kapag dito na siya mag-stay sa Pilipinas kasama namin ay hindi na siya mahirapan." wika ni kuya Jeth.

"Hi Megan, my name is Doctor Travis Valencia. Your so beautiful like your mama Jass. Bakit mama ang tawag mo sa kanya?" tinanong ko na siya kung bakit yun ang tawag niya kay Jass.

THE PROFESSIONALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon