CHAPTER ELEVEN

0 0 0
                                    


(Jass' Pov)

"Paano kaya napunta kay Travis ang papel na ito?" tanong ko sa sarili ko habang binabasa ang papel na kinuha ko kagabi sa kwarto ni Travis. Nasa opisina ako ng publishing company namin pero ang utak ko ay nasa kasong hinawakan ko. "Sino kaya ang nagbigay nito sa kan--" napatigil ako ng mag-ring ang telepono ko. "Badtrip! Istorbo!" inis na sabi ko saka sinagot ang telepono. Napakunot ang noo ko ng malamang ang sekretarya ni Donya Mendiola ang tumatawag. Pinapapunta ko nito sa bahay nila. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin kaya tumayo na ako sa swivel chair saka kinuha ang bag tapos ay lumabas ng opisina. Pumunta muna ako sa opisina ni kuya Jeth niya para magpaalam. Maya-maya pa ay nagmaneho na ako papuntang bahay ng mga Mendiola. Pagdating doon ay malugod akong binati ng security guard. In-escortan pa ako ng sekretarya nito, pagpasok ko sa opisina ng donya ay mabalasik na anyo ang bumungad sa akin. Sa pakiwari ko ay tila lalamunin niya ako ng buhay.

"Magsabi ka sakin ng totoo!" mukhang badtrip ang matanda. Naisip ko dahil hindi man lang ako inayang maupo sa dirty pink niyang couch.

"Ano pong ibig sabihin niyo?" nagtatakang tanong ko.

"Nagpunta dito si doctor Travis Valencia, nagwawala! Inakyat daw ng magnanakaw ang kwarto niya kagabi!"

Bigla akong kinabahan, nautal tuloy ako. Ang bilis naman ni Travis makapag-sumbong!

"Umamin ka sakin, ikaw ba ang umakyat sa kwarto niya?!" galit na tanong niya.

"Hindi!!" agad kong depensa sa kabila ng nerbyos. "Nasa bahay po ako kagabi at pinag-aaralan ang kaso ni Ally." pagsisinungaling ko.

Biglang nag-iba ang ang anyo ng matanda ng marinig ang pangalan ng anak niya na isang linggo ng nawawala. Umupo siya sa couch samantalang ako ay nakatayo pa rin. "May lead na ba kung nasaan siya?"

Nagulat ako sa tanong nito. "Excuse me lang po ha? Ang trabaho ko po ay maghanap ng ebidensya laban kay Travis at hindi hanapin ang anak niyo!" sabi ko.

"Pareho lang yun! Binabayaran ko ang serbisyo mo!"

Napataas ang kilay ko. Hindi na ako nakapagpigil kaya sinagot ko na siya. "For the record po donya Mendiola. Hindi pa po kayo nagbabayad! Now, kung wala na po kayong sasabihin, aalis na ako!" patalikod na ako ng bigla akong may maalala. "Hayaan niyo po, pag nakita ko si Ally.. tatanungin ko siya agad kung may kinalaman nga ba si Travis sa pagkawala niya! Kasi parang wala naman e! Sa tingin ko nga lang po, may mga taong gustong i-set up siya!" pahabol kong sabi. Nakita kong namutla siya at parang naumid ang dila.

"Makakaalis ka na detective Atillano! Mga walang kwenta ang mga pinagsasabi mo!" singhal nito sa akin pilit niyang tinatago ang kaba niya.

"Easy, donya Mendiola.. detective ako. Mabilis talaga umandar ang mga brain cells ko. Always remember that. Good day donya Mendiola. See you soon!" sabi saka lumabas na ng bahay niya.

(Jass' Pov)

Wala sa mood na bumaba ako ng kotse ko. Nakakastressed talaga na matanda yun! Hindi ko tuloy napansin ang pagsalubong sa akin ng security guard ng company namin.

"Good afternoon po Maam Jass!" sabi nito.

"Same to you manong!" napangiti ako sa pagbati niya.

"Maam, may tao pong naghahanap sa inyo sa loob."

"Ho? Sino po?" napaatras ako dahil sa sinabi niya.

"Si Doctor Travis Valencia po. Pasensya na maam, nakalimutang kong lumabas nga pala kayo."

"E nasaan po ba siya?"

"Naku maam, pinadiretso ko po sa opisina niyo. Sorry po talaga maam."

"Ho? Salamat po manong guard." sabi ko saka mabilis na umakyat sa opisina ko na nasa second floor lang naman. Pagdating ko doon ay naabutan kong kumakatok si Travis sa opisina ko. "T-travis!" tawag ko sa kanya.

THE PROFESSIONALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon