(Jeth's Pov)
Gabi. Mag-isa ako dito sa kwarto ko, tinitingnan ang larawan ng namayapa kong asawa. Si Leslie, ang mommy ni Megan. Napakislot ako ng biglang bumukas ang pinto at sumilip si Jass at si Megan.
"Pwede pumasok kuya?" tanong sa akin ng kapatid ko.
"Oo naman sis, baliw ka talaga." natatawa kong sabi.
"E kasi masyado kang seryoso, baka lang ayaw mong paistorbo. Anyway, kaya kami nandito ay dahil hinahanap ka nitong prinsesa mo." sabi ni Jass ng umupo sa gilid kama ko.
"Daddy, bakit hawak mo ang picture ni mommy? Namimiss mo siya?" umakyat naman si Megan sa kama at umupo sa tabi ko.
"Walang araw na hindi ko siya namimiss."
"Ako rin daddy, namimiss ko na siya." sabi ni Megan na kahit kelan ay hindi nakapiling ang mommy niya. "Ang ganda-ganda niya po daddy no." hinaplos ng anak ang mukha ng larawan ni Leslie. "Sana po makapiling ko siya ulit."
Pakiramdam ko ay tinusok ang puso ko dahil sa mga sinabi ng anak ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pangungulila. Kung may magagawa lamang ako para ibalik ang kahapon at makapiling namin ulit si Leslie. Biglang hinawakan ni Jass ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin.
"Megan! Kahit naman wala na si mommy Les mo e nandito naman kami ni tita Rein mo di ba? Mahal na mahal ka namin. Kaya wag ka ng malungkot, kukulubot ang balat mo, sige ka." pang-aalo ni Jass sa anak ko.
"Anong mangyayari pag kumulubot ang balat ko mama?" inosenteng tanong naman ni Megan.
"Papanget ka! Hindi ka na makakasali sa ms. Universe!"
Nanlaki ang mga mata ni Megan. "Really Mama? I don't want to be panget. Gusto ko lagi akong pretty like ni mommy."
"Kaya wag ka nang malulungkot ha?" pinindot ni Jass ang tungki ng ilong ni Megan. Natawa ako.
"Yes Mama!" niyakap ni Megan si Jass na tinuring na rin niyang ina tapos ay humarap siya sa akin. "Daddy, kwento mo naman sa amin kung paano kayo nagkakilala ni mommy." biglang sabi niya na ikinagulat ko. Kahit kelan hindi nawala sa alaala ko ang unang pagkikita namin ni Leslie, ang babaeng mahal na mahal ko at buhay ko.(Jeth's Pov)
---FLASHBACK---
"Andito ang silencer ng baril mo pinsan!" sabi ko sa telepono kung saan kausap ko ang pinsan kong si Rilley. 25 years old palang kami noong panahong iyon.
"Thanks Jeth, hintayin na lang kita dito sa agency. Hindi ka naman siguro matatagalan?"
"Hindi. Dadaan lang ako sa post office para maihulog itong mga sulat natin sa mga kapatid natin." wika ko habang binabaybay ang daan papuntang post office. Nag-aaral pa noon ang mga kapatid namin sa Ireland at kaming dalawa naman ni Ryle ay nandito na sa Pilipinas para patakbuhin ng lihim ang Fontanilla Detective Agency.
"O sige, ingat pinsan." tapos at nawala na ito sa linya.
Saktong paglagpas ko ng tulay na daanan papuntang post office ay may biglang tumawid na babae. Kung hindi ako agad nakapagpreno ay masasagasan ko ang babae. Lumabas ako ng kotse at nilapitan ang babaeng nakatayo sa harapan ng sasakyan ko. Nanginginig ito at namumutlang tumingin sa akin. "Miss? Sorry, hindi kita napan---" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang natumba sa mga bisig ko ang babae. "Miss?" tawag ko pero wala na itong malay. Wala na akong nagawa kundi dalhin ito sa Valencia Memorial Hospital. Pagdating doon matapos maisugod ang babae sa emergency ay tinawagan ko si Ryle.
"Anong nangyari?" tanong ni Ryle na wala pang trenta minutos ay dumating na.
Napatayo ako kinauupuan. "Muntik ko ng masagasaan yung babae." sabi ko sa pinsan ko.
"Bakit? Paano? Buhay pa ba?" sunod-sunod naman ng katanungan ni Ryle na kinakabahan din.
"Biglang tumawid e buti nakapagpreno ako tapos lumabas ako ng kotse para kumustahin siya pero bigla namang hinimatay, wala na kung choice kundi tulungan pa yun." paliwanag ko.
"Hay salamat." nakahinga ng maluwag si Ryle. "Kala ko nakapatay ka na!"
Napalingon kami ng biglang bumukas ang pintuan ng emergency room at lumabas ang doctor.
"Sino ang kasama ng pasyente?" tanong ng doctor. Agad akong nagtaas ng kamay. "Kaano-ano mo siya?"
"Wala po doc, muntik ko lang po siyang masagasaan kanina. Bigla pong hinimatay kaya po dinala ko dito. Kumusta na siya?"
"Stable naman ang kalagayan niya, konting sugat at pasa. Dadalhin na siya ngayon sa recovery room para makapagpahinga. Pero may habilin siya sakin bago ako lumabas kanina.
"Ano daw po?"
"Gusto daw niyang makausap ang taong nagdala sa kanya dito. At ikaw yun. Mauna na ko, sumunod na lang kayo sa recovery room." lumakad ng palayo ang doctor.
BINABASA MO ANG
THE PROFESSIONAL
ActionAno nga ba ang mas matimbang? Ang pag-ibig o ang propesyon? Ganito ang naramdaman ni Jass Atillano ng makilala niya si Travis Valencia. Isang gwapong doctor na isinasangkot ng isang mayamang donya sa biglaang pagkawala ng anak nito. Natuklasan niyan...