(Jeth's Pov)
"Sis? Okay ka lang?" tanong ko kay Jass pagdating namin ng bahay.
"Yes kuya, bakit?" umupo siya sa couch namin at nagpangalumbaba. Hindi ko maarok ng iniisip niya.
"Wala ka kasing imik mula ng umalis tayo sa bar hanggang dito sa bahay e."
"Hindi lang kasi ako makapaniwalang gwapo pala ang Travis Valencia na yun. Bakit naman hindi niyo sinabi agad?" halata sa boses niya ang problema."Alam mo sis, sasabihin na sana namin sayo na darating doon si Travis Valencia kaso bigla kang tumayo at sininghalan mo yung tao." sagot ko. "Hindi mo ba siya ni-search?"
"Eh sa nagulat din ako ng makita ko siya kasi binangga niya ako. Hindi ko na nasearch kagabi dahil nakatulog ako."
"Sigurado ka ba ate na si kuya Travis ang bumangga sayo?" sumingit sa usapan namin si Rein na katabi niya.
"Oo no! Sure na sure ako! At nakakaloka pa, hindi man lang niya ako nilingon at nag-sorry."
"Kung ganun, bakit ikinaila niya na binangga ka niya?" si Rein ulit.
"Malay ko sa kanya, baka kasi ayaw niya lang mapahiya sa madlang pipol!"
"Ano ba kasing ginawa mo sa labas ha?" tanong ko.
"May nakita kasi akong matanda na nagtitinda ng mga alpombra na tsinelas." inilabas nito ang pitong tsinelas sa supot. "Di ba paborito natin itong isuot lalo na kapag winter sa Ireland at lagi tayong pinasasalubungan nila mama nito kapag galing sila dito sa Pilipinas." nakangiting turan ni Jass.
"Wow! Ang gaganda ate!!" kinuha ni Rein ang kulay pink na alpombra at agad itong sinuot sa paa.
"Pito ang binili mo? E apat lang naman tayo." kunot-noong tanong ko saka kinuha ang blue na tsinelas at binigay kay Ryle ang kulay green.
"E kuya, apat lang naman talaga ang bibilhin ko kaso may naiwan pang tatlo kaya pinakyaw ko na lang. At para na rin ito kay nanay Linda, kay Emily at kay Noemi." pagtutukoy nito sa mga kasambahay nila. "Tsaka para makauwi na rin yung matandang tindera." paliwanag pa ni Jass sabay suot sa tsinelas na kulay violet.
"Kala ko pa naman Jass, sagad na sa buto ang kamalditahan mo. May kabutihan pa rin pala diyan sa puso mo?" nakangising sabi Ryle.
"Natural! Yun ang tinuro sa atin noon nila mama, ang maging mabuti sa kapwa at maging mapagkawang-gawa lalo na sa mga mahihirap." katwiran naman ng kapatid ko.
Napatango naman ki pati na rin sila Ryle at Rein sa sinabi niya. Totoo naman kasi yun. Namiss ko tuloy ang mga mama namin.
"Pupuntahan ko lang sina nanay Linda sa kusina." sabi niya saka pumasok sa kusina.
(Jeth's Pov)
Napailing na lang ako sa ginawa ni Jass. Samantala, gandang-ganda naman si Rein sa tsinelas na binigay sa amin ni Jass.
"Na-miss ko talaga ang tsinelas na ito." sabi nito habang nirarampa ang alpombra.
"Maam Rein. may tawag po kayo sa telepono." sabi kay Rein ng kasambahay naming si Noemi.
"Sino daw?"
"Axel Mendoza daw po." sagot nito.
"Si Axel?! Salamat Noemi! Punta ka sa kusina, may pasalubong sayo si ate Jass." anito sabay takbo sa telepono.
"May kailangan po ba kayo mga sir?" tanong ni Noimie sa aming dalawa ni Ryle.
"Wala Noemi, punta ka na sa kusina." sabi ko dito.
BINABASA MO ANG
THE PROFESSIONAL
Hành độngAno nga ba ang mas matimbang? Ang pag-ibig o ang propesyon? Ganito ang naramdaman ni Jass Atillano ng makilala niya si Travis Valencia. Isang gwapong doctor na isinasangkot ng isang mayamang donya sa biglaang pagkawala ng anak nito. Natuklasan niyan...