CHAPTER EIGHTEEN

2 0 0
                                    


(Ryle's Pov)

Hindi ako makatingin ng diretso kay Tristan dahil sa nangyari kay Axel. Galit na galit ang mga tito ni Axel ng buhusan ito ng kapatid ko ng isang baldeng tubig galing sa bintana nito. Kahit kaming dalawa ni Jeth ay nagulat sa ginawa ni Rein. Hindi namin inaasahan yun. Ano ba kasi talagang kasalanan ni Axel?

"Bakit kailangan pa niyang buhusan ng tubig ang pamangkin namin?" galit na sabi ni Tristan.

"Sorry Tris, ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa ni Rein, hindi rin namin inaasahan yun." depensa ko pero ang totoo ay naiinis ako sa kapatid ko.

"Sorry? That's not enough Ryle!" tumayo na rin si Zorren. "Kung galit siya kay Axel, bakit hindi niya kausapin ng maayos?"

"Hon!" biglang pumigil dito ang asawang si Kassey. "Bakit kay Ryle kayo nagagalit?" anito habang pinupunasan si Axel ng tuyong tuwalya.

"Sorry guys, pero kahit kami ay hindi rin namin alam kung bakit siya nagkakaganyan." singit ni Jeth na nahihiya rin sa mga ginawa ng kapatid ko. "Yan kasi ang hirap kay Rein, kapag galit siya sayo hindi ka talaga niya kakausapin unlike ni Jass na sobrang pranka."

"Ano ba kasing nangyari ha Xel?" tanong ni Paulo na kalmado lang. Hindi ito katulad nila Tristan na halatang galit.

"Hindi ko nga alam tito." sagot nang nagnginginig na si Axel. "Sana andito si ate Jass para matulungan niya ako."

"Oo nga pala Jeth, nasaan nga ba ang maldita mong kapatid?" bigla kong tanong kay Jeth ng maalalang wala doon si Jass at si Travis.


(Ryle's Pov)

"Hello guys! Good afternoon!"

Napatingin kaming lahat sa pintuan. Nakita naming nakatayo doon si Jass at si Travis.

"Saan kayo galing? Kanina pa kita hinahanap ah!" narinig kong sabi ni Jeth sa kapatid niya.

Lumapit sa amin si Jass habang si Travis naman ay dumiretso muna sa kusina at kumuha ng tubig. "Relax kuya, diyan lang kami galing ni Travis sa Gym. Nagpaturo siya sakin ng self-defense at pagbalik natin ng La Fontanilla ay tuturuan naman namin sila ni Rein na humawak ng baril. Di ba Axel? Anong nangyari sayo Xel?" nagulat ito ng makita ang itsura ni Axel. "Bakit mukha kang basang sisiw?" natatawa pa nitong tanong.

"Binuhusan siya ng tubig ni Rein galing sa bintana." malungkot na sagot ko.

"Ano?!" gulat na sabi ni Travis na nooy nag-aabot ng tubig kay Jass. "Bakit daw?"

"Ginawa ni Rein yun?" kinabahan ako ng biglang mag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Jass. Siguradong kakastiguhin niya ang kapatid ako. "Puntahan natin si Rein sa kwarto namin." nauna na itong maglakad sa kanila.

"Wait sis" pigil dito ni Jeth.

"O bakit? Kakausapin ko lang naman siya kuya."

"Pero sarado ang pintuan nyo at ayaw kaming pagbuksan ni Rein." sagot ni Jeth.

"Pwes! Sisirain ko ang pinto! Humanda sakin ang babaeng yan! Rein!!" sigaw nito habang paakyat sa taas.

(Ryle's Pov)

Mabilis kaming sumunod kay Jass sa itaas. Baka sirain niya talaga ang pinto. Patay kami kay tito Josh. Susunod din sana sa amin si Travis pero pinigilan ito ni Jethro kaya nagpaiwan na lang ito. Pagdating namin sa taas ay nakita naming nakaluhod si Jass sa doorknob ng kwarto. Kala namin ay dinadasalan niya ang kwarto yun pala e kinakalikot niya ang doorknob gamit ang isang hairpin.

"Anong ginagawa mo sis?" tanong dito ni Jeth.

"Binubuksan ang pinto. Ano ka ba kuya?"

"Akala ko sisirain mo talaga ang pinto?"

"Hindi pa ko nababaliw kuya para gawin yun tsaka baka pagalitan ako ni papa Josh pag sinira ko to." nakarinig kami ng click mula sa pinto. "Ayan bukas na!" binuksan namin ang pintuan at pumasok sa loob. "Rein! Bakit ginawa mo yun kay Axel?" tanong agad ni Jass sa kapatid kong nakaupo lang sa gilid na kama at umiiyak.

"He deserves it! Manloloko siya!" sagot naman ni Rein.

"Manloloko sis?" takang tanong ko. Nagkatinginan kaming tatlo. "Paano?"

"Kitang-kita ko kuya, hinalikan siya ng babae kanina sa beach!" umiyak na naman ito.

"Hinalikan? Si Axel? Ng babae?" naguguluhan na ako sa mga pinagsasabi ng kapatid ko.

"Nilapitan mo ba? Baka naman hindi si Axel yun? Baka namalikmata ka lang Rein?" singit sa amin ni Jeth. Kahit ako ay hindi naniniwalang kayang lokohin ni Axel ang kapatid ko. Alam kong mahal na mahal niya si Rein. Pero hindi ko nasabi iyon dahil nagsalita si Jass.

"Para sabihin ko sayo Rianne! Kanina ka pa hinihintay ni Axel sa dalampasigan no. Iniwan na lang namin siya dahil sabi niya darating ka pero hindi mo pala siya sinipot?" nakapameywang na tanong ni Jass.

Nagkatinginan kami ni Jeth. Eto na ang kinatatakutan namin. Kapag binanggit na ni Jass ang buong pangalan namin ay nagmimistula na itong pari at magsesermon. Sa totoo lang talaga mas gugustuhin pa naming lamunin ng lupa kesa humarap sa mala-homily na sermon ni Jass.

"Kasi nga ate nakita ko siyang hinalikan ng isang babae." nangatwiran pa rin si Rein.

"Loka!" singhal dito ni Jass. "Hindi si Axel yun! Nakita rin namin sa Gym ang eksenang yun at hindi ang jowa mo yun! Andun siya sa harapan ng chapel at hinihintay ka!"

Hindi na sumagot ang kapatid ko at umiyak na lang. Tila bagang nagsisisi sa nagawa niya. Gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi ko dapat na kunsintihin pagkakamali niya.


(Ryle's Pov)

"Hoy Rein! Hindi tama ang ginawa mo kay Axel! Binuhusan mo ng isang baldeng tubig? Diyos ko! Sobra ka pa sa walang pinag-aralan! May kasalanan man o wala sayo ang isang tao hindi niya pa rin deserve ang ganun lalo na't alam mo naman na mahal ka niya! Hindi mo ba nakita ang kalagayan ngayon ni Axel? Ayun! Mukhang basang sisiw! Susmaryosep ka!" sermon ni Jass sa kapatid ko.

"Sorry ate." narinig kong sabi ni Rein kahit umiiyak.

"Anong sorry ate? Bakit sa akin ka ba may kasalanan? Ako ba ang binuhusan mo ng tubig?"

"Anong gagawin ko ate?" biglang tumayo si Rein at lumuluhang tumingin kay Jass. Aminado akobg naaawa ako sa kapatid pero tama naman lahat ng sinabi ng pinsan ko. Dahil sa totoo lang mas nakikinig talaga si Rein kay Jass kesa sa akin dahil kapag si Jass na ang nagsalita e tagos talaga sa puso.

"Ano pa! E di bumaba ka doon at manghingi ka ng sorry sa kanila lalo na kay Axel! Wag mong sayangin ang mga pangaral sa atin noon nila Mama!"

"Jass, tama na yan!" sabi ni Jeth kay Jass.

"No kuya! She must learn her lesson." sagot naman agad ni Jass. Napabuntong-hininga nalang si Jeth.

"Jass was right pinsan." nagsalita na ako. "Rein deserves it. Hindi sa ayaw kita kampihan sis, pero mali talaga ang ginawa mo." niyakap ko na siya. Hindi an ako nakatiis.

"Kuya, samahan niyo ko sa baba." sabi niya na tinanguan ko naman. Hindi ko iiwan ang kapatid ko kahit kelan. Katulad ni Jeth, mahal na mahal ko din ang kapatid ko. Siya na kang natitira sa akin.

(Rein's Pov)

Nakayuko akong bumaba ng hagdan. Hindi ko alam kung paano haharapin si Axel lalo na ang mga tito niya. Bakit ko pa ba kasi naisip yun e. Todong sermon tuloy ang inabot ko kay ate Jass. Para akong inuntog ni ate sa pader kaya natauhan ako at nagsisi sa ginawa ko kay Axel. Ang lalaking mahal na mahal ko pero nagawa kong saktan dahil lamang sa maling akala.

"A-axel?" nanginginig kong sabi at tumitig sa kanya, nakabalot siya ng tuwalya. Tama si ate Jass, mukha nga siyang basang sisiw. Hindi ko napigilang maiyak dahil sa awa sa kanya. "I'm sorry! I'm so sorry!"

"Rein, i'ts okay." nakangiting wika sa akin ni Axel at bigla akong niyakap. "Naiintindihan kita." bulong niya sa akin.

"Sorry talaga kung nasaktan kita."

"Sorry din dahil sakin napagalitan ka nila."

Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Kasalanan ko naman talaga. Maling hinala ako. Nakalimutan ko yung pangako mo sa akin na hindi mo ko ipapapalit sa ibang babae. Nasaktan lang talaga ng makita kong may babaeng humalik sayo pero hindi naman pala ikaw yun."

"Alam ko, kaya nga hinabol agad kita pero hindi na kita inabutan. Sinabi sakin ni kuya Ryle na haranahin daw kita pero binuhusan mo ko ng tubig."

"Sorry talaga. Hindi ko na uulitin. Ayoko ng masermunan ni ate Jass."

"Si ate Jass ang nanermon sayo? Hindi si kuya Ryle?" takang tanong nito.

"Oo Axel! Ako nga! Wala ng iba, inuntog ko ang ulo niyang loka-loka mong girlfriend para matauhan!" singit ni ate Jass in a very proud voice.

"Tindi siguro ng mga sinabi mo sa kanya ate no?'

"Talaga! Dahil kung hindi pa talaga siya matatauhan e siya naman ang bubuhusan ko ng isang drum na tubig. Tingnan ko lang kung di pa talaga siya magsisi sa mga ginawa niya sayo."

"Ate naman." tumingin ako kay ate Jass.

"O bakit? Totoo naman e." sabi ni ate.

"Sige na nga! Basta, sorry talaga Axel pati na rin po sa inyo tito Tristan." tumingin ako sa mga tiyuhin ni Axel.

"No problem Rein, napatawad ka naman na ni Axel e. So kami rin, basta sa susunod kung may problema kayo ay pag-usapan niyo ng maayos para hindi ka na inuuntog ni Jass." sabi sa akin ni kuya Paulo.

"Thank you po!" niyakap ko ang mga ito. Tapos ay niyakap ko naman ang kuya ko at si kuya Jeth." Thank you so much ate!" huli kong niyakap ang ate Jass ko. Kahit may pagkamaldita siya, mahal na mahal ko siya. At ayoko siyang mawala sa amin.

THE PROFESSIONALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon