(Jeth's Pov)
Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ng kapatid ko. Kasalukuyan ko siyang ginigising. "Hoy Jass! Tumayo ka na diyan! Mahuhuli na tayo sa agency." inalog-alog ko diya para magising.
"Kuya naman, inaantok pa ako e." sabi niya pero hindi pa rin bumabangon.
"Anong oras ka ba kasi natulog? Tinapos niyo pa ba ni Rein ang basketball?" sermon ko pero hindi na siya sumagot. "Jass?" tawag ko saka tinanggal ang kumot nito. "Hay naku, tinulugan na naman ako!" nagpasya na lang akong bumaba at sinabayan ang dalawa kong pinsan na nag-aalmusal na.
"Asan na?" tanong ni Ryle kahit punong-puno ng pagkain ang bibig.
"Ayun, tinulugan ako. Anong oras ba kasi kayo natulog kagabi ha, Rein? Tinapos niyo pa ba ang basketball?" umupo na lang ako sa hapag-kainan,
"Hindi kuya, nauna akong umakyat. Tatapusin niya pa daw yung research niya." sagot ni Rein sa kabila ng pagsubo.
"Kaya naman pala. Sasabay ka ba sakin Ryle?" inubos ko ang natitirang kape sa tasa saka tumayo.
"Oo pinsan! May pupuntahan tayong meeting ngayon." dali-daling ininom ni Ryle ang kape saka tumayo na rin. "Ikaw sis? Hindi ka ba sasabay sa amin?""Hindi kuya, hintayin kong magising si ate. Wala naman akong masyadong gagawin sa agency e."
"Okay." kibit-balikat na sabi ni Ryle. "See you sa agency sis." hinalikan niya ang kapatid sa pisngi saka lumabas na ng dining room.
"Rein, pakisabi kay Jass na dumaan sa opisina ko pagdating niyo sa agency." bilin ko sa kanya tapos ay sumunod na kay Ryle.(Rein's Pov)
"No problem kuya Jeth! Ingat kayo." sabi ko saka nagpunta ng sala para maupo sa sofa. Napansin ko ang telepono. "Tawagan ko kaya si Axel?" sabi ko pero dadamputin ko na sana ang telepono ng bigla itong nag-ring. Agad ko itong sinagot. "Hello?" kinakabahan kong sabi.
"Hello, good morning can I talk to Ms. Rein Atillano?" sabi ng boses sa kabilang linya.
"Axel?" sabi ko ng makilala ng boses niya. Pakiramdam ko ay tumalbog sa tuwa ang puso ko. "Axel, sorry kahapon kung bigla kitang iniwan." pagsosorry ko dahil baka galit pa siya.
"Okay lang yun Rein, I understand. Pwede ka namang bumawi e."
"How?" tanong ko habang kinilig.
"Date ulit tayo ngayon, same restaurant. With a plus."
"Oo ba pero anong with a plus?" nagtaka ako sa huli niyang sinabi.
"Dalhin mo si ate Jass."
Napakunot ang noo ko. "Ha?"
"Ano kasi, napagkasunduan kasi namin ni kuya kagabi na mag foursome tayo."
"Talaga? Bakit?" Ting! pakiramdam ko may umilaw na bumbilya sa utak ko.
"Well, feeling ko may crush si kuya Travis kay ate Jass."
"Wow!" sabi na nga ba e. Kinilig ako sa mga naiisip ko. "Don't worry kakausapin ko si ate. Magkita tayo mamaya. Thank you Axel. Ingat kayo. Bye!"
"Hoy Rein!" gulat na napalingon ako sa tumawag sa akin. Si ate Jass pala yun, nasa hagdanan ito at halatang kagigising lang.
"O ate!" bigla kong ibinaba ang telepono."
"Sinong kausap mo?" tanong niya habang bumababa ng hagdan.
"Ahh si Axel yun ate."
"Oh? Infairness naman dyan sa suitor mo. Parang intsik. Sobrang aga manligaw." sabi nito saka pumasok ng dining room para kumain.
"E ate, ako naman talaga ang tatawag kaso naunahan niya ako. Alanganamang babaan ko yung tao. Ang laki kaya ng kasalanan ko sa kanya kahapon."
"Oo na. Napatawad ka naman ba?"
"Siyempre! Niyaya niya pa nga ako ng date. Ulit! Gusto mong sumama ate?"
"Baliw! May balak ka bang gawin akong chaperon?"
"Hindi ate! Ano kasi...uhmmm may kasama rin kasi siya."
"May kasama siya? Sino?"
"Si... si kuya Travis daw!"
"Ha?!" biglang nasamid si ate Jass sa iniinom na tubig.
"Yes ate, you heard it right." ngiting-ngiti na sabi ko.
"Sige, sasama ako."
"Sure ka ate?"
"Oo!"
"Talagang-talaga?"
"Oo nga! Wait, magbibihis na ko!" tumakbo ito papunta sa kwarto at dali-daling naligo at nagbihis. Walang kasing ligaya ang feeling ko dahil sa pagpayag ni ate Jass, kala ko talaga mahihirapan akong kumbinsihin siya. Si kuya Travis lang pala ang magic word. Nang bumaba na siya ay pumunta na kami agad sa agency at nagtuloy-tuloy sa opisina ni kuya Jeth, nagbilin siya kanina na dumaan muna daw kami sa kanya di ba? Kinausap nito sandali si Jass. Tapos ay nagpaalam na kami sa mga kuya namin.
BINABASA MO ANG
THE PROFESSIONAL
ActionAno nga ba ang mas matimbang? Ang pag-ibig o ang propesyon? Ganito ang naramdaman ni Jass Atillano ng makilala niya si Travis Valencia. Isang gwapong doctor na isinasangkot ng isang mayamang donya sa biglaang pagkawala ng anak nito. Natuklasan niyan...