(Jass' Pov)"What is the meaning of this, donya Mendiola!!!" galit na ibinagsak ni ko ang isang bomba sa lamesa ni donya Mendiola. Oo sumugod talaga ako sa mansion niya dahil sa ginawa niyang kahapon. Imagine, gusto niya rin kaming mamatay! Buti na lang malakas ang pandinig ni papa at magaling si kuya Jeth kaya buhay pa kaming lahat ngayon.
"Anong ibig mong sabihin Ms. Atillano? At bakit ka nagdala ng bomba dito sa pamamahay ko?" galit din na tugon niya kahit bakas na bakas sa itsura niya ang gulat at takot.
"Wag mo kong artehan ng ganyan, donya Mendiola! Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin! O baka gusto mong pasabugin ko ang bombang ito sa mukha mo!"
"Are you saying na sakin nanggaling yang bombang yan? Wag mo kong pagbintangan!"
"Talaga? Sorry ka na lang donya Mendiola dahil mga tanga ang mga tauhan mo! Narinig sila ng driver namin at binanggit nila ang pangalan mo! Mabuti na lang at hindi kami nahuli sa oras kaya napigilan namin ang pagsabog."
"Kayo ang nag-dispose ng bomba?"
"E di inamin mo rin! Oo! Kami nga! Napakawalang hiya mo donya Mendiola! Napakaraming inosente ang mamamatay dahil sa kabaliwan mo!"
"Sumusobra ka na Ms. Atillano!" singhal nito sa kanya. Tinatago niya sa pamamagitan ng pagsigaw ang kaba. Pero nahahahalata ko kaya.
"Wala akong pakialam!" singhal ko din sa kanya, wala akong paki kung matanda siya! Hindi siya karespe-respeto! "Binalaan na kita noon donya Mendiola, sinabi ko sayo na wag mong uubusin ang pasensya ko! I'm quiting this case! Papatunayan ko sa buong La Fontanilla na inosente at walang kasalanan si Doctor Valencia sa pagkawala ng anak mo! Itaga mo yan sa bato matandang Mendiola! Sayo natong bomba mo!" hinagis ko sa kanya ang bomba.
"How dare you Ms. Atillano!" tinamaan siya ng bomba sa kaliwang kamay. "Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito! Get out! Lumayas ka sa pamamahay ko!" pagtataboy niiya sa akin.
"E di wag! Hindi ko naman ikakamatay yun, baka ikaw pa ang maunang mamatay sa atin dahil sa bombang hawak mo! Umaandar na ulit yan, at ilang oras na lang e sasabog yan sa pagmumukha mo! Boom!" sabi ko sabay naglakad na palabas pero malapit ng ako sa pinto ay napatigil ako at nilingon siya "Ay oo nga pala, may nakuha na akong ebidensya laban sa inyo!" yun lang at tuloy tuloy na ako lumabas ng opisina niya.
(Donya Mendiola' Pov)
Galit na naibato ko ang bombang hawak ko sa pintuang nilabasan ni Jass Atillano. Hindi naman iyon sumabog. "Bwesit kang babae ka!" sigaw ko dahil halos mahimatay na ako sa mga pinagsasabi ng niya. Ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang anak kong panganay.
"Ma? Anong nangyari?" tanong niya.
"Tawagin mo ang lahat ng mga tauhan mo Tyron! Iharap mo sila sa akin! Ngayon din!!!" galit na galit na sabi ko. Mga lintik sila, sila ang sumira ng mga plano ko!
Agad namang tumalima ang anak ko. Lumabas ng pinto at ng bumalik ay kasama na niya ang mga tauhan. Isa-isa kong pinagsasampal ang mga ito dahil sa galit.
"Mga inutil! Dahil sa mga katangahan niyo ay hindi sumabog ang bombang pinalagay ko sa inyo sa reception kahapon!"sigaw ko sa kanila. Gusto ko na talagang magwala.
"What?" gulat na react ni Tyron "Pero paano? Kaya pala wala akong narinig na balita tungkol sa mangyayaring pagsabog."
"Dahil yan dito sa mga palpak mong tauhan! Narinig sila ng driver ng mga Atillano at dahil dun napigilan nila ang bomba!"
BINABASA MO ANG
THE PROFESSIONAL
ActionAno nga ba ang mas matimbang? Ang pag-ibig o ang propesyon? Ganito ang naramdaman ni Jass Atillano ng makilala niya si Travis Valencia. Isang gwapong doctor na isinasangkot ng isang mayamang donya sa biglaang pagkawala ng anak nito. Natuklasan niyan...