Tahimik ang mundo:
Na para bang hindi nila naiintindihan ang salitang katahimikan.
Umaasa ang lahat na masuspende ang klase sapagkat malakas daw ang paparating na bagyo.
Natatawa na lamang ako.Ayaw ko nang masuspende ito.
Madaling araw bago ang naturang pangyayari, nagising ako sa dagundong ng pag-ulan.
Inisip ko, normal naman ito:
Ang tahimik na pagpatak, ang sayaw ng mga puno sa huni ng hangin, ang tahimik na ritmo sa aming bubong;
Lahat ng ito'y normal—
Lahat ay inaasahan.Nakita na natin ang wakas noon pa man
Sadyang hindi lamang natin alam kung kalian mararating ito.
Hindi ito isang pinto na kailangan nating lagpasan,
Isa itong karagatan na kailagan nating languyin;
At tanging pagsisid ang alam ko.
Unti-unting napuno ng tubig ang aking baga.
Gusto kong sumigaw— humingi ng tulong.
Hawakan ang kamay na buhay kung itinuturing ng nagmamahal
Hirap na akong huminga.
Wala na rin naming patutunguhan ang pag-ibig kundi pababa hangga't hindi ka natututong lumangoy sa kawalan.
Hindi ito pang-iiwan sa ere.(Nabigyan ka ng sulat tungkol dito, marahil ay hindi lamang umabot ito sa puso mo.)
Hindi ito isang museo ng pagluha—
Museo ang isa sa mga lugar na nakasaksi ng pagsasama.
Pagsasamang inangakong hanggang sa mamatay ang dapithapon—
Sa dapithapon natatapos ang lahat.
Lahat ay may katapusan, lahat ng sakit na ito ay inaasahan.
Hindi ito isang parke ng pananampalataya
Na ang paniniwala ay maituturing na pagmamahal—
Na ang pagsamba ay ang paghihintay...
Ano nga ba ang hihintayin ng dalawang taong nakita na ang wakas?
(Marahil ay ang unang kakalas)Marahil ang sakit— Lahat ng sakit ay inaasahan:
Ang luha, ang tampuhan at alaala, ang ngiti, ang tawa. Lahat.
Ang tinig ng boses na lumalayo habang ang iyong sinasakyan ang pumupunta sa huli nitong destinasyon.Sabihin mo.
Ibulong mo sa akin na mahal mo ako.
Gawin mo ito upang hindi marinig ng uniberso ang sikreto ng mundo.
Sabihin mo, pakiusap—
Pangako...Nagsinungaling ako.
Sinabi ko na hindi ko gagamitin ang ulan bilang metapora sa pagluha; nagkamali ako.
Sinabi kong nakikita ko na ang wakas; nagtakip mata ako.
Pinatunayan ko na ang pag-ibig ay isang museo, parke.
Mahilig tayong magligaliw sa teatro ng alaala:
Mauupo't papanuorin ang bawat saglit na inaasahan ngunit hindi pinipigilan
Marahil ay hanggang dito lamang ang lahat—
Na matapos ilabas ang pangalan ng gumanap ay paglisan ang aasahan.
Tahimik ang buong teatro:(Hindi ko gagamitin ang ulan bilang metapora sa pagluha
Ngunit namumuo na ang bagyo sa aking mga mata)
Pangako.
BINABASA MO ANG
Museo Ng Manunulat
PoetryAlam mo na ba ang patakaran sa loob ng museo? Hindi? Bago ka lang sa Museo ng Manunulat? Ah. Ganun ba? Sige, makinig kang mabuti. Maligayang pagpasok sa Museo ng Manunulat. Mag-log-in na lang sa desk sa harap (Pumasok ka sa buhay niya. Nagpakil...