11:03 P.M.
Wala na akong naririnig na ibang tunog kundi ang tunog ng katahimikan
ng iyakan.
Nababalot ang aking paningin ng kadiliman
ng kawalan.Ano ang nangyayari sa akin?
Bakit may nag-iiyakan—
Tumutulo ang luha?
Bakit ganito?
Anong nangyayari?
11:04 P.M.
Masaya kami kaninang naglalakad sa isang parke ng pagmamahal:
Magkahawak kamay at may pangako ng walang hanggan
Hindi alintana ang galit ni Haring Araw—
Hangga't kami ay magkasama, walang makapipigil sa aming dalawa.
Hangga't ang kamay ko at ang kamay niya ay iisa.Ang pangako ng walang hanggan ang aming katotohanan.
11:05 P.M.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Pang-labing-apat na ilaw na ang aking nakikita.
Hinahatak ng lamesang de-gulong ang katawan.
Ano bang nangyayari?
Nahihilo na ako.
Umiikot ang aking paningin, nawawala na ako sa sarili.
Ano ba talagang nangyayari?
11:06 P.M.
Ang mga pangako natin ang siyang ating sandata sa walang hanggan;
Ang mga pangrap natin ang siyang ating pasaporte papuntang hinaharap;
Ang mga luha natin ang siyang magpapalakas sa ating mga sarili;
Ang mga ligaya natin ang siyang pundasyon ng ating pag-ibig.Ang lahat ng ito ang mayroon tayo sa ating mga palad,
Hanggang sa isang liwanag ang nagpadanak ng dugo sa atin.
11:07 P.M.
Isang liwanag, na naging kadiliman—
Kawalan.11:08 P.M.
Sa patak ng tubig ng buhay
na nakatarak sa isang ugat na nagdadagdag ng pulso—
Umiiyak pa rin ako.
Hanggang ngayon wala pa rin akong kaalam-alam.Masyado na yata akong nag-iisip,
Magpapahinga muna ako.11:09 P.M.
Pikit.
Mulat.
Pikit.
Mulat.
Pikit sa katotohanan.
Mulat sa kaisipan.
Pikit sa realidad.
Mulat sa pag-ibig.
Pikit.
Luha.
Mulat.
11:10 P.M.
Sana hanggang ngayon hawak ko pa rin ang kamay mo
Sana hanggang ngayon boses mo pa rin ang musika sa aking pandinig
Sana hanggang ngayon labi mo pa rin ang nagpapawala ng lahat ng sakit
Sana hanggang ngayon ikaw ay nasa akin pa rin
Sana hanggang ngayon...11:11 P.M.
Tumataas-baba pa rin ang linya ng buhay mo
Sana kasama pa rin kita hanggang ngayon
Nakakabingi ang ingay na ginawa ng makinang nagpapakita ng diretsong linya
Nakakaiyak.
Nakakaluha
11:12 P.M.
Paalam na sinta.
BINABASA MO ANG
Museo Ng Manunulat
PoetryAlam mo na ba ang patakaran sa loob ng museo? Hindi? Bago ka lang sa Museo ng Manunulat? Ah. Ganun ba? Sige, makinig kang mabuti. Maligayang pagpasok sa Museo ng Manunulat. Mag-log-in na lang sa desk sa harap (Pumasok ka sa buhay niya. Nagpakil...