At sa mga sandaling iyon ay tumingala ako sa langit.
Kung noong una ay napakaraming bituin, ngayon ay wala ni isa
Ang mga kumikinang; ang buwan at mga planeta. Lahat sila ay nawawala
Pawang kadiliman ang kanilang nasa mga mata
Napakalalim.
Napakalawak.Dumaan lamang sila. Nagturo. Maya-maya'y dumanak ang dugo—
Sabihin mo sa akin na hindi ako tinamaan.
Sabihin mo sa akin na buhay pa ako.
Sabihin mo sa akin na magiging maayos ang lahat—Sabihin mo sa aking nagsisinungaling ka.
Wala na akong nararamdaman, ngunit ang mga paa ko ay tumatakbo.
Nakakapagod; Humahangos pa rin ako.
Bawat tagaktak ng pawis ay bagyo ng takot;
Pangamba. Hindi ko mawari kung ano ang pagkakaiba.Isa akong tao na sinuotan ng halimaw.
Kailangan kong tumakbo upang mabuhay;
Bawat tapak sa lupaing dugo ang ipinunla
ay siyang nagiging panghihina ko at paghatak sa akin pababa"Bitawan ninyo ako!" Palayain ninyo ako!
Hindi kailanman ako nabahiran ng alikabok!
(Na kung tutuusin ay ginto ang isang gramo)At bigla na lamang akong tinrahidor ng aking mga paa
At tuluyan kong hinalikan ang lupa
"Nandiyan na sila!" Nandiyan na sila.Wala akong kasalanan; pero nandiyan na sila.
Tiningala kong muli ang langit; nandiyan na sila.Ang bawat bituin sa kalangitan ay isang baril na nakatutok sa aking mata
Manahimik ka hangga't kaya mo pa.
Hindi mo malalaman kung kalian gagamitin ang gatilyo
'Wag kang gagala sa dilim kung ayaw mong mapaaga ito
(Kung sabi sa kanta, 'huwag ka nang matakot sa dilim',
ngayon, manginig ka.)At sa sandaling ito, narito na sila:
Ang mga nagmamartsang uniporme at unipormeng halimaw
(Na kung titingnan ay malinis na may bahid ng dugo)Marahan akong lumuhod, umuulan; ngunit ang mga bituin ay natatanaw.
Baril sa ulo, buhay pa kaya ako?
Makakalaya pang kaya?
"Ama sa Langit.." Tanggapin mo nawa si...(At sa mga sandaling iyon, nakakita ako ng bulalakaw.
Agad akong humiling, na kung mamarapatin:
Ang dugo ay tumigil sa pagdilig sa lupaing
Aking hinahalikan.)
BINABASA MO ANG
Museo Ng Manunulat
PoetryAlam mo na ba ang patakaran sa loob ng museo? Hindi? Bago ka lang sa Museo ng Manunulat? Ah. Ganun ba? Sige, makinig kang mabuti. Maligayang pagpasok sa Museo ng Manunulat. Mag-log-in na lang sa desk sa harap (Pumasok ka sa buhay niya. Nagpakil...