Malamig ang simoy ng hangin
Kahit wala pa ang Disyembre
Ramdam ko ang paghalik ng mahinang pagbuga ng langit sa aking balat
Ninanamnam ang simoy sa itaas
Hindi alintana ang maaring pagbagsakan
Daan-daang kotse ang dumadaan iniilawan ang dinaraanan
Daan-daang taong naglalakad papunta sa patutunguhan
Ilang sasakyan na ang huminto sa usad pagong na pupuntahan
Sadyang napakataas
Pakiramdam ko maabot ko na ang kalangitan
Pero gayunpaman
Hindi parin kita maabot.
Ito ako ngayon, nakikipagsayaw sa hangin sa itaas ng isang gusali
Hindi pala nakikipagsayaw, nakaupo lang sa gilid Kitang kita ko ang dagat sa kinakalagyan ko
Kitang kita ko ang mga paa ko na parang nakalutang sa kalupaan
Nawawalan ng pakiramdam
Nanginginig
Natatakot
Hindi
Hindi ako takot sa matataas
Kahit nanginginig ang mga paa ko sa tuwing naiisip ko na paakyat na ako ng Ferris Wheel
Kahit na hindi ako makatingin pababa sa isang gusali
Kahit na natatakot ako kapag naiisip ko na sumakay sa isang eroplano
Hindi ako natatakot sa matataas
Hindi ako takot sayo.
Hindi ka mapagmataas
Pero ang una kong sinabi sayo ay
"Isa kang bituin sa kalangitan
Kay gandang pagmasdan," gusto kong mapasaakin ka
Pero gaya ng bituin na walang tigil sa pagningning
Malapit man ay malayo pa rin
Hinangad ko lang na mailagay ang kamay mo sa kamay ko
O Ang makasama ka sa tabi ko
Ngunit gaya ng mga bituin na paulit ulit kuminang sa langit
Alam ko na hindi mangyayari ang aking nais
Na ang malayo ay mananatiling malayo
Na ang ikaw ay mananatiling ikaw
Pinagmamasdan ko lang
Hanggang tingin ko lang
Hinihintay na lumapit ngunit alam na hindi pwedeng ipilit
Alam ko, katangahan ang maghintay ng nahuhulog na bituin
Iniisip na sana sa akin naman bumagsak ang susunod
Iniisip na Ikaw naman ang bumagsak sa palad ko
Pero alam ko na kahit kailan hindi mangyayari ito
Kahit gaano katagal akong maghintay para sayo
Alam kong hindi mangyayari niyon
Kahit alam ko na hanggang tingin na lang ako
Gusto ko parin na maghagkan ka
Kahit gaano kataas ang akyatin ko para lang makuha ka
Alam kong imposible ang ginugsuto ko
Pero ito ako, inakyat ang pinakamataas na gusali na nakita ko
Tiningala ang langit
Inilapat ang mga daliri sa kalawakan
Sinubukan kang mahagkan kahit alam ko na ang tanging yayakap sa akin ay ang kawalan
Sinubukang makuha ka kahit ang makukuha ko ay hangin lang
Sinubukang pigilan ang mga luha dahil hindi naman talaga kakayanin na makapiling ka
Kasi kahit na umakyat ako, kahit na sabihin natin na hindi ako takot sa matataas
Masyado ka paring mataas.
Hindi ako takot sa matataas.
Takot ako na mahulog sayo.
BINABASA MO ANG
Museo Ng Manunulat
PoetryAlam mo na ba ang patakaran sa loob ng museo? Hindi? Bago ka lang sa Museo ng Manunulat? Ah. Ganun ba? Sige, makinig kang mabuti. Maligayang pagpasok sa Museo ng Manunulat. Mag-log-in na lang sa desk sa harap (Pumasok ka sa buhay niya. Nagpakil...