Copyright © 2010 Chiichoi. All Rights Reserved.
Proso̱pikóti̱ta Café: A place where personality harmonizes.
Dito mo kasi makikita ang iba’t-ibang personalidad ng isang tao. Meetings, coffee breaks, light to heavy lunches and dinner o kahit ang mag hang-out lang at makipagkwentuhan sa mga staff ng Café. Dito mo makikitang nagrerelax ang mga kabataan, mga feeling bata, at ang mga empleyadong gustong kumain, magpahinga at magrelax bago humarap ulit sa hamon ng buhay.
Popular ang cafe na ito dahil sa pagkain, ang tema, lokasyon at very affordable din ang presyo dito. Hindi rin naman papahuli ang well-trained na waitress/waiter nila dito. Pinatayo ito ng isa sa mga kilalang manager ng restaurant sa Pilipinas. Nakapag-ipon at isa-isang tinupad ang mga pangarap, ang makaahon sa hirap at ang makapagtayo ng sarili nitong café.
Blu Indigo Dela Merced, may-ari ng Proso̱pikóti̱ta Café o mas kilala bilang Café de Personalidad. Marami na siyang napaglingkudan na mga tao sa Pilipinas. Mapa-artista man, ordinaryong mamamayan o mga taong kilala sa lipunan. Para kay Blu, pare-parehas lang na lahat ng tao sa mundo at ang ipinagkaiba nga lang ay ang personalidad nito. Dahil doon, napagpasyahan ni Blu na magtayo ng café na pinapangarap at mga-hire ng taong may iba’t-ibang mga personalidad. Mahirap pero masaya, hindi kasi nagkakatugma-tugma ang mga ito pero masayang kasama kapag nasa trabaho.
Puti ang kulay ng dingding nang cafe na nilagyan ng makukulay na painting para mabuhay at maging makulay ang buong cafe. May 3 parte ang cafe at sa bawat parte ay iba’t-iba ang tema. Ang una ay ang tinatawag nilang Bar Lounge at Hawaiin ang style ang tema nito. Sa dingding nito ay may naka-pintang ng araw na pasikat palang. May beach din itong nakapinta sa dingding. Ang mga upuan naman nito ay gawa sa kawayan na may kudson para malambot at komportable ang uupo. Ang sahig naman ay ipinagawa pa ng may-ari para magmukhang puting buhangin ang kulay. Medyo maliit ito kumpara sa iba at open lang ito sa gabi hanggang alas-singko ng umaga.
Meeting Room. Eto naman ay isang close-door room. Minsan lang ito binubuksan pag may meeting or conference na nakabook sa naturang cafe. Tulad ng ibang conference room, white at black ang tema nito. White na dingding at black na lamesa at upuan. May mga paintings din sa loob pero puro black and white rin.
Main Café. Eto ang pinaka-malaking parte ng Café. Rainbow at buhay na buhay ang tema nito. May maliit na palaruan sa gilid kapag may mga batang kasama ang kanilang customers kung saan ang mga bata ay masayang naglalaro sa loob habang ang mga magulang nito/taga-alaga ay nag-rerelax at nakikipag-kwentuhan sa mga staff. Dito rin halos nagsimula ang mga kanya-kanyang love story ng mga customer at staff dito.
Ako nga pala si Kana Valeria Fernandez, isang manunulat. Tunghayan natin ang mga love story na nagpayaman sa akin na nagmula mismo sa cafe na ito.
BINABASA MO ANG
At Your Service (Collection of Short Story)
RomanceCopyright © 2010 Chiichoi. All Rights Reserved. Isang Short Story Collection ng mga taong may iba't-ibang personalidad. Love Story po lahat ito and it all happened inside the cafe. 1st Story: Mr. Masungit meets Ms. Weirdo (Cain and Clementine) 2nd...