Copyright © 2010 Chiichoi. All Rights Reserved.
Ewan niya ba kung bakit sinabi niyang ‘oo’ nung magtanong ito kanina ng date sa kanya. Maganda nga at mabait si Clementine but she wasn’t his type. Hindi lang dahil sa mapera siya at anak ng mayaman but he doesn’t like the fact na hinahabol habol siya nito at ito pa ang nanliligaw sa kanya. Para kasi sa kanya, ang mga babae ang nililigawan and not the other way around. He was in the middle of changing for their date ng pumasok ang boss niyang si Blu sa loob.
“Just to let you know, my friend’s outside waiting for you. Thank you nga pala dahil you just made my friend the happiest lady in the world. Nakapagtataka lang kung bakit ka nga ba sumang-ayon na makipag-date when I knew well na hindi mo siya type and you just don’t like her.”
Kumibit balikat siya at ni-lock na ang locker. “Pinagbigyan ko na lang para tumahimik na siya at hindi na niya ako kulitin pa,” sabi niya at isinabit na ang bag sa balikat. “Alis na ako, boss, baka kapag pinaghintay ko pa ang kaibigan niyo ay mabaliw pang lalo yun doon.”
Kumaway na lang ito at pinanood siyang lumabas sa locker room. Imbes na lumabas siya sa likuran ay minabuti na lang niyang lumabas sa harapan kung saan nag-hihintay si Clementine.
Clementine arrived as early as she can. Bihis na bihis din siya appropriate para sa date nila. She knew well na simpleng panlabas lang ang dadamitin ng lalaki dahil kalalabas nga lang nito ng trabaho at alam niya rin na ang tipo ni Cain ay ang mga babaeng simple kung manumit at simple ang make-up. She made sure na simple siya in a very beautiful and fashionable way.
She was wearing a cream dress na nagbigay tingkad sa maputing balat niya. Sleeveless ito na may deep V-cut at may beaded wood details sa gilid. She’s really happy inside and felt really satisfied dahil nakita niyang nagulat at napatitig ito sa suot niya. Ngumiti siya dito ng matamis at hinintay na makalapit ito sa kanya.
“Sorry kanina dahil hindi na ako nakapagpaalam na aalis ako. Wala na kasi akong oras para makapag-ayos kaya nagmamadali na akong umalis nun, ” sabi niya dito kahit nga ba nakatitig lang ito sa kanya at marahang tumungo. “Saan nga pala tayo pupunta? Gamitin na natin ang kotse ko para mas madali.”
“Hindi tayo sasakay sa sasakyan mo. Mamamasahe tayo,” walang kasigla-siglang sabi nito sa kanya at iginaya siya papuntang sakayan ng jeepney.
Cool naman siya sa pagsakay sa jeepney at may pagka-girlscout siya dahil nga she loved adventures and excitement. Alam naman niya kung anong klaseng tao si Cain. Masungit lang ito pero never itong nambastos ng babae, and she thinks na it’s cool of Cain na humindi itong gamitin ang sasakyan niya, nadagdagan tuloy siya ng pogi points sa kanya.
Sumakay na silang jeepney at medyo pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob, mapa-babae man o lalake. She can see the admiration of everyone’s eyes inside the jeepney dapat lang naman kasi pinaghandaan niya talagang mabuti ito. Tinawagan niya ang kaibigan niyang make-up artist at pinahalungkat na rin niya sa mga kasambahay ang mga damit para makapili siya habang inaayusan siya ng kaibigan.
Maya-maya ay inakbayan siya ni Cain pero hindi parin nito siya tinatapunan ng tingin. It doesn’t matter kung di man siya tinapunan nito ng tingin dahil para sa kanya ang simpleng gesture na iyon ni Cain ay isang pogi points ulit. Alam niya kung bakit siya inakbayan nito. He just wanted to protect her from people’s stare at sa taong gagawa ng masama sa kanya.
BINABASA MO ANG
At Your Service (Collection of Short Story)
RomanceCopyright © 2010 Chiichoi. All Rights Reserved. Isang Short Story Collection ng mga taong may iba't-ibang personalidad. Love Story po lahat ito and it all happened inside the cafe. 1st Story: Mr. Masungit meets Ms. Weirdo (Cain and Clementine) 2nd...