"Tiffanie!" sigaw sa akin ni Claire sa gitna ng pagpapakilala sa kanya ni Mr. Princillo sa klase. Nasa harap si Mr. Princillo, at nakatayo sa tabi niya si Claire Abecilla, na nangangahulugan lang na katapusan na ng buhay ko. Alam kasi ni Claire ang lahat ng kasinungalingan ko.
Syempre nagsinungaling ako. Ang ibig kong sabihin, sino ba’ng hindi? Pero maliliit na kasinungalingan lang naman. White lies. Kasinungalingang hindi nakakasakit sa iba, at yung wala kahit isa ang talagang nakakaalam na kasinungalingan nga iyon. Tulad nang sinabihan ko ang kaibigan kong si Elsie last year sa tenth-grade dance na wala namang makakakita sa underwear niya sa suot niyang damit, kahit nakikita naman talaga ng lahat, lalo na kapag nasinagan ng umiikot na ilaw ang kinatatayuan namin.
O nang sabihin ko kay lola na ang spaghetti sauce niya ang pinakamasarap kong natikman, kahit na mas masarap yung ginagamit na sauce sa kalapit na fast food chain.
O nung time na tinanong ako ni mom kung pinapakain ko ba raw ng tuna yung pusa namin, at sinabi ko sa kanyang hindi, kahit na pinapakain ko ito. Hindi niya malaman kung bakit bumigat nang sobra yung timbang ng pusa, pero nang sabihin ng vet na perfectly healthy ang pusa namin, naisip kong hindi big deal ang pagbibigay ko rito ng tuna.
Pero tulad ng sinabi ko, lahat ng ito ay maliliit na kasinungalingan lamang. Hindi nagpapabagong-buhay. And besides, hindi ko ugali ang magsinungaling sa lahat ng oras. Hanggang noong nakaraang summer, kahit papaano ay naging isa akong pinakamalaking sinungaling, dahil gumawa ako ng isang gawa-gawang buhay na wala namang kinalaman sa totoo kong buhay.
Sabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang gumuho.
But anyway, no, hindi alam ni Claire na sinungaling ako. Dahil sa kanya ako nagsinungaling. At ngayong nandito na siya, magiging malinaw na na isa akong sinungaling.
Tumingin si Mr. Princillo sa paligid, at tumalilis ako sa kinauupuan ko. “Oh.” Parang nagulat si Mr. Princillo. “Clarice, kilala mo si Stefanie Millona?”
“Yup!” sabi ni Claire. “Inubos namin ang buong summer nang magkasama!”
“Great,” sabi ni Mr. Princillo. “Bakit ‘di ka maupo sa tabi niya? Nakakatulong ang mga pamilyar na mukha.”
Ngumiti si Claire at naglakad palapit sa akin. Nakasuot siya ng silver skirt at beaded pink tank top na pinapatungan ng short, fitted jacket. Match din ang kuko at lip gloss niya.
“Tiffanie!” sabi niya. Ang weird pakinggan na tinatawag niya akong gano’n, dahil dito sa school, tinatawag akong Stef o Stefanie.
“Hey,” sabi ko na nag-iisip kung baka pwede akong magkunwari na hindi ko siya kilala. Pwede kong ipaisip sa kanya na nagkakamali siya sa akin na ako ang akala niyang kilala niya, tulad nung time na akala ko ay nakita ko siya sa simbahan pero hindi naman pala. At sabi ng babae ay “Hindi ako si Claire.” At ako naman, “Oh, okay, sorry.” Hindi yun big deal. Siguro magkukunwari na lang akong hindi ako si Stefanie. Nag-practice naman akong magmukhang naguguluhan eh.
“Oh, hi,” I squint at her na parang hindi ko siya kilala.
“Can you believe I’m here?” sabi niya. Bumulong lang si Mr. Princillo sa harap, at parang walang pakialam sa dumadaldal dito. Lagi na lang hinahayaan ng mga teachers ang mga bagong tao sa kahit ano. “Gusto ko sanang sabihin sa ‘yo na magta-transfer ako rito, pero ‘di ko nagawa, sorry. Pero sa tingin ko magiging hindi kapani-paniwala kapag surprise, ‘di ba?”
BINABASA MO ANG
A Liar's Identity
FanfictionSabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang...