"Subukan mo 'to," sabi ni Claire, habang inaabot sa akin ang bright red lip gloss. Tapos na ang school, at nasa Sephora ako kasama siya at si Chelsea, para sumubok ng iba’t ibang shades ng lip gloss. Ang maganda dito sa Sephora ay pwede mong subukan ang lahat ng ibinibenta nila, so hindi mo na kailangang mangamba na baka magmukha kang tanga sa produkto nila.
“Sure ka?” Kinuha ko yung tube kay Claire at ipinahid ang gloss sa labi ko. Umaninag ako sa salaming naka-display. Mukha akong clown.
“Um, that would be a no,” sabi ni Chelsea, at inabutan niya ako ng tissue.
“Thanks,” sabi ko. Pinunasan ko ito at iniisip ko kung sinabi niya ba yun in a mean way. Pero kahit gano’n, ang mag-shopping kasama sina Chelsea’t Claire ay MASAYA. Una, huminto kami sa Bavarian Pretzel at bumili kami ng mga orange freezies para bitbitin habang nagsa-shopping kami. Tapos nagpunta kami sa Nordstrom, kung saan bumili si Claire ng tatlong pares ng capri pants (which doesn’t make any sense since taglagas ngayon, pero naka-sale sila at nanumpa siya na pagsisisihan niya ang hindi pagbili dito kapag uminit na ang panahon) at bumili si Chelsea ng isang pares ng jeans.
Sumaglit kami sa arcade para mag-DDR sandali, at pagkatapos ay pumunta naman kami sa Old Navy, kung saan nakakuha ako ng dalawang pares ng jeans at tatlong shirts na napaka-cute. Ang best part ay meron pa akong Php 3, 290 na natitira.
“This one’s better for you,” sabi ni Chelsea, habang inaabot sa akin ang pink sparkly color. Naglagay ako nun at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Tama siya. Mas maganda nga.
“I can’t decide kung ‘Twinkled Pink’ eye shadow ba o ‘Ice Storm’,” sabi niya, na nakasimangot sa dalawang containers na hawak niya.
“Kunin mo na lang pareho,” utos ko, dahil naisip ko na iyon ang sasabihin ni Tiffanie.
“Tama ka,” sabi ni Chelsea, na tumatango sa pagsang-ayon. “After all, there’s nothing wrong with splurging if you know you’re going to be hanging out with someone special.”
“Tama,” sabi ko, na hindi sure kung ano’ng ibig niyang sabihin doon. Tinutukoy niya ba yung ngayong weekend? May gusto ba si Chelsea kay Tristan? Nag-decide ako na ‘wag na iyong alalahanin. Mas kailangan ko kasing pigilan si Chelsea sa pagsasabi ng kahit anong makakapagpaniwala kay Claire na never pa kaming nag-hung out before. Hindi naman iyon gano’n kahirap, at nagkaroon lang ng one close call, nang nasa Old Navy kami. Tinanong ako ni Chelsea ng, “Ano’ng size mo?” habang tinutulungan niya akong maghanap ng isang pares ng jeans na gusto ko at si Claire naman ay parang, “’Di mo ba alam?” dahil iniisip niyang madalas kaming mag-shopping ni Chelsea nang magkasama. Tapos nagbigay si Chelsea ng naguguluhang hitsura, kaya sinabi ko agad na, “Hindi ako sure kung anong size ang isusuot ko. For some reason, madalas magpatakbo ng malalaki ‘tong tindahan na ‘to,” na mukhang pinaniwalaan naman ni Claire. Natutuwa ako na hindi interesado si Chelsea na makilala ako, dahil magiging super weird kung magtatanong na siya ng mga tanong na tulad ng, “Saan ka nakatira?” o “Ano’ng screen name mo?”
“Mukha bang mabilog ‘tong labi ko?” tanong ni Claire ngayon, habang naka-pout sa amin. Naglagay siya ng dalawang coat ng lip plumper, at parang kay Angelina Jolie na ang labi niya.
“Oo,” sabi ko, honestly.
“Kukunin ko ‘to,” sabi ni Claire, at inilagay niya ito sa basket niya.
BINABASA MO ANG
A Liar's Identity
FanficSabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang...