Pagsapit ng Lunes, nagkaroon ako sa sikmura ng knot na sinlaki ng Empire State Building. Takot na takot ako no’ng weekend na pumasok, at ngayong kailangan ko nang gawin yun, feeling ko mamamatay na ‘ko sa stress. May tao bang gano’n? I mean, yung mamamatay sa stress. Parang wala naman. Tingin ko nagkaka-ulcer lang sila.
For the rest of the weekend ay iniwasan ko ang lahat, at nag-iwan ako ng away message sa instant messenger ko, at sinabihan ko rin si mom na masyado akong maraming homework, kaya hindi ko masasagot ang mga tawag. Gumugol ako nang maraming oras sa kwarto ko, para gawin sana ang lahat ng homework na idinahilan ko, pero ang totoo ay nanood lang talaga ako ng TV at nagbasa ng isa sa mga romance novels na inuwi ko galing kila lola no’ng summer. Gumugol din ako nang maraming oras sa pagtingin ng kamay ko. Alam kong weird ito, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin si Rence at yung feeling na hawak ko ang kamay niya, na nasa pagitan ng mga daliri niya ang mga daliri ko, at yung feeling na humahaplos sa wrist ko ang laylayan ng shirt niya habang naglalakad kami.
Dumiretso ako sa locker ko pagbaba ko ng bus, dahil plano kong kunin ang mga libro ko’t dumiretso agad sa homeroom. Sa kamamadali ko’y ‘di agad bumukas ang lock ko sa first couple of tries. Crap. 18 kanan, 27 kaliwa, 15 kanan. Inikot ko uli 15 pakanan, pero ‘di pa rin bumukas. Huminga ako nang malalim at sinubukan ako ulit. Yes! Bumukas ang lock springs, at inabot ko’t pinasok ang lahat ng librong kakailanganin ko ngayong umaga sa bag ko. Halos patapos na. Ang kailangan ko na lang gawin ay makapunta sa homeroom bago pa—
“Hey!” biglang may boses na nagsalita sa tabi mismo ng tenga ko. Napasigaw ako at nailaglag ko ang bag ko. Nagkalat sa kung saan-saan ang mga libro’t papel ko.
“Geez,” sabi ni Ella, na lumuhod para tulungan akong kunin ang mga gamit ko. “Merong may short fuse rito.”
“Thanks God ikaw lang pala,” sabi ko, na bumuntong-hininga dahil sa relief. “Sinusubukan ko kasing iwasan silang lahat.”
“Sinong silang lahat?” tanong niya.
“Sina Chelsea, Claire, Tristan, Rence, at kung sinu-sino pa,” sabi ko. Aksidente kong natapakan ang math notes ko, kaya nagkaroon ng malaking footprint ang mga algebra equations nito. Galing. Sana lang mabasa ko pa ‘to—may test kami bukas.
“Bakit, ano ba’ng nangyari?” tanong ni Ella. Pinulot niya ang science homework ko at ibinalik ito sa purple folder ko. “Tatlong beses kitang tinawagan kahapon. At kelan ka pa nagkaroon ng sobrang daming homework na ‘di mo na magawang sumagot sa phone?” ‘Yan ang problema kapag meron kang best friend. Hindi ka makakapagsinungaling sa kanila, dahil lagi nilang nalalaman yung totoo. Naisip ko agad na hindi pa alam ni Ella ang tungkol sa parents ko, at mas lalo akong hindi napalagay.
“Alam ko,” sabi ko. “Sorry, ano lang kasi—“
“Uh-oh,” sabi ni Ella, na nakatingin sa hall sa likod ko.
“Uh-oh ano?” tanong ko.
“Hi, Tiffanie,” narinig ko ang boses ni Rence sa likod ko.
“Oh,” sabi ko, na tumayo mula sa sahig. Pinunas ko ang kamay ko sa jeans ko, para maalis yung dumi na nakuha ko sa sahig. Tumingin agad ako sa paligid para siguraduhing walang ibang tao. “Bakit?”
“Tinawagan kita kahapon,” sabi niya, “pero sabi ng mom mo marami ka raw homework.” Pamali-maling tumibok ang puso ko, na para akong nasa loob ng kotseng may napakalakas ng tugtog.
BINABASA MO ANG
A Liar's Identity
FanficSabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang...