Okay. Hindi ito gano'n ka-big deal. Nakatayo ako sa may locker ko sa school nang sumunod na umaga, habang nag-iisip kung paano naresolba ng mga tao ang mga problemang mas malala pa kesa ng sa akin. Katulad halimbawa ng Cuban Missile Crisis. Nasa bingit ng nuclear disaster ang bansa, pero nagawan ito ng paraan. So definitely merong solusyon sa katawa-tawa na kilala ngayon bilang buhay ko. Kailangan ko lang malaman kung ano ito.
"Ooh-la-la," sabi ni Ella nang makita niya ako. Nakasuot ako ng isang pares ng cute jeans at tank top na pinapatungan ng beaded sweater. Naka-straight ang buhok ko, at naglagay ako ng pink lip gloss. New look ko. Nag-decide ako na isuot na lang ulit ang mga lumang cute summer wardrobe ko at i-update ito ng konti para medyo uminit. "Bihis tayo para sa boyfriend?"
"Hindi nakakatawa," sabi ko. Kinuha ko ang math book ko na nasa locker ko, isinarado ito, at kabadong tumingin sa paligid. Kung itutuloy ko ito, kailangan kong mag-stay sa ibabaw ng bawat sitwasyon. Which means dapat alam ko kung nasaan sina Claire at Tristan sa lahat ng oras. Wala akong idea kung nasaan sila ngayon. Obvious na nagsisimula ako sa napakapangit na simula.
"Eto oh," sabi ni Ella, na inaabot sa akin ang BFF notebook namin. Blankong pink-and-purple-bound book ang BFF notebook na ginagamit namin para magsulat sa isa't isa. Pinagpapasa-pasahan namin ito. Ginagawa na namin ito since ninth grade, at nakaubos na kami ng at least eight or nine notebooks. Sinulatan yata ito ni Ella last night.
"Thanks," sabi ko, at inilagay ko ito sa bag ko. Feeling ko mandaraya ako. Paano ba ako naging deserving na maging part ng BFF notebook namin kung sinabi ko kay Claire na may gusto si Ella kay Tristan? Ipinadulas ko ang daliri ko sa ibabaw ng notebook habang nag-iisip kung paano ko sasabihin kay Ella na crush niya si Tristan. Siguro mamamatay na lang ako sa guilt at wala nang makakaalam kung gaano ako kalaking sinungaling.
"So kamusta kagabi?" tanong ni Ella. "Magdamag akong nag-message sa ‘yo, tapos sinubukan pa kitang tawagan, pero walang sumasagot." Nagsimula akong gapangan ng second wave of guilt. Pag-uwi ko kagabi, nakipag-usap ako kay Claire sa phone hanggang ten o'clock, nang mahuli ako ni mom at patigilin. Napansin kong nagbi-beep si Ella sa caller ID, pero hindi ko 'to sinagot. Hindi naman sa ayoko siyang makausap. Kailangan ko lang talagang gumawa ng damage control. Well, as much as I could, anyway, given na total disaster na ang sitwasyon.
"Naging... okay naman," mabagal na pagkakasabi ko. "Except for the fact na sinabihan ako ni Tristan na crush niya si Claire."
Sumingap si Ella. "Hindi!"
"Oo," sabi ko.
"Pagkatapos ng isang araw?" Sumimangot siya.
"Oo, pagkatapos ng isang araw," sabi ko.
"So, sandali." Naguluhan si Ella. Na dapat lang. I mean, nandoon nga ako pero hindi ko man lang alam kung paanong ang lahat ng ito'y nangyari. "Anong ginawa mo para isipin niyang couple kayo ni Tristan?"
"Kailangan ko siyang mahanap," sabi ko, na in-ignore siya. Sasabihin ko dapat kay Ella sa huli na supposedly, meron siyang crush kay Tristan, pero hindi pwede ngayon. Kung magagalit siya sa akin, dapat meron muna akong clear head para makipag-deal dito. Besides, meron akong nabasa somewhere tungkol sa paano kung gusto mong maging isang epektibong tao, kailangan mong gawin sa umaga ang unang pinakaimportanteng bagay. At ngayon, ang pinakaimportanteng bagay ay ang mahanap sina Tristan at Claire at mapaglayo sila sa isa't isa. Malayong-malayo. Pwede na sa ibang bansa.
"Nasa'n ba siya?" tanong niya. Sinulyapan niya ang sarili niya sa salaming naka-stuck sa loob ng locker door at inayos niya ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
A Liar's Identity
FanfictionSabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang...