Chapter Two

52 1 0
                                    

Ginugol ko ang sumunod na kalahating oras sa library kasama si Ella, at gumawa kami ng sumusunod na listahan:

Lies, Realities, and Possible Solutions

Lie #1: Sikat ako.

Reality: Hindi ako sikat.

Possible Solution: Maging sikat kahit papaano? (Sa puntong ito, sinabi ni Ella na kung alam ko kung paano ito gagawin, nagawa ko na siguro.)

Why This Solution Won’t Work: Tingnan ang comment ni Ella sa itaas.

Lie #2: Nakikipag-date ako kay Tristan Fernandez.

Reality: Hindi alam ni Tristan Fernandez ang pangalan ko. Ewan. Isang beses sa taong ito, tinanong niya ako kung pwede ba raw siyang manghiram ng mga writing utensils sa English. Ang meron lang ako ay isang pen na bigay ni lola sa akin noong summer na color purple at may nakasulat na STEF sa malalaking yellow letters. Siguro natatandaan niya pa iyon?

Possible Solution: Yayain si Tristan Fernandez na lumabas kasama ako.

Why This Solution Won’t Work: Si Tristan Fernandez ay matangkad, kahanga-hanga, at gwapo. Lahat ng babae sa junior at senior high ay may crush sa kanya (kahit yung mga eight graders), kaya hindi kataka-taka kung umayaw siya.

Possible Solution: Sabihin kay Claire na ako at si Tristan ay nag-breakup na.

Why This Solution Won’t Work: Ang nangyari kasi, kahit first time kong makita si Claire, nag-a-IM kami minsan. At last night ang huling pag-uusap namin, nang sabihin niyang meron siyang malaking sorpresa sa akin. (“Sinong gumagawa niyan?” tanong ni Ella sa puntong ito. “Nagpakita lang sa ibang school at wala man lang pinagsabihan? At meron kang secret IM friend?” mukha siyang nagulat, na parang hindi siya makapaniwalang meron akong weird, behind-her-back IM conversations.) Anyway, hindi ko pwedeng sabihin kay Claire na ako at si Tristan ay nag-breakup na, dahil noong nakaraang gabi, umarte akong kami pa rin ni Tristan. At paano kung siya’y maging, “Nakakatawa naman, last night kayo pa, ngayon, GAWA-GAWA MO LANG SIGURO ANG LAHAT NG ITO AT NGAYON GUSTO MONG MAGPALABAS NG ISANG BREAKUP PARA WALANG MAG-ISIP NA ISA KANG PSYCHO.”

Lie #3: Lagi akong nagdadamit na parang isang fashionista. Kahit pa gustuhin mong maging technical, ang isang ito ay hindi naman talaga kasinungalingan. It’s more of a misconception, since never ko talagang sinabi kay Claire na lagi akong nagdadamit the way I did this summer. Nag-assume lang siya na palagi akong nagsusuot ng mga cute outfits. Ang totoo, I’m more of a jeans-and hoodies kind of girl. Hindi naman ako poor quality, o common, o ano pa man, hindi lang talaga ako palaging bihis sa lahat ng oras.

Possible Solution: Magsimulang manamit ulit tulad ng isang fashionista.

Why This Solution Won’t Work: Ang tanging dahilan kung bakit nakapag-damit ako na parang fashionista in the first place ay dahil na-uber-guilty ang parents ko tungkol sa pagpapadala nila sa akin kay lola no’ng summer, so naging, um, sobrang luwag nila sa cash nila. Binigay pa nga ni dad yung credit card number niya sa akin para makapag-shop ako online. At ngayong nagkabalikan na sila, swerte ako kung makikita ko yung allowance ko. At lahat ng mga cute clothes na binili ko noong summer ay puro summer clothes. At ngayon ay October. Ang ibig kong sabihin, paano ako magpapakita sa school na nakasuot ng tank tops at sandals? Magmumukha lang ako nung freak. Isang cute freak. Pero freak pa rin.

A Liar's IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon