“Wala hong nangyayari!” sabi ko. “Mom, nagfifreak out ka sa wala.”
Hindi tinanggap ni mom yung paliwanag kong dumating-si-Rence-habang-inaalagaan-ko-si-Trixie. In fact, nagfifreak out siya. Pagkatapos niyang pauwiin si Rence (na talaga namang nakakahiya kasi sobrang bait niya nang gawin niya yun, pero masasabi mo namang galit na talaga siya, na mas malala pa, dahil obvious namang sisigawan niya ‘ko pag-alis ni Rence), pinaupo niya ‘ko sa sala, pinahiga si Trixie sa kama, at pinaakyat si dad sa kwarto nila. Pinaalis niya si Trixie dahil gusto niya ‘kong makausap nang mag-isa, at pinaakyat niya naman si dad dahil napanood niya sa Dr. Phil na ang pinakaimportante sa lahat ay ang relationship mo sa magulang mo na kapareho mo ng kasarian, at minsan kapag makikipagdeal sa mga sensitive issues, importante sa mga ina na kausapin ang anak nilang babae nang mag-isa.
“Stef, alam mo yung mga rules,” sabi ni mom. Naisuklay niya yung kamay niya sa kulot niyang buhok. “Hindi ka magpapapasok dito sa bahay habang wala kami ng papa mo. Hindi mo sasagutin ang pinto, hindi mo sasabihin sa iba na mag-isa ka lang dito sa bahay, at lalong hindi ka dapat magpapunta rito ng MGA LALAKI.”
“Mom, alam ko,” sabi ko. “Pero ginagawa lang namin yung project namin, at akala ko okay lang sa inyo.”
“De dapat tinawagan mo na lang yung cell phone ko para magpaalam.” Actually naisip ko naman talaga yun. I mean, yung tatawagan yung cell phone niya. Pero naisip kong ‘di rin naman siya papayag.
“Gagawin ko na nga dapat yun,” sabi ko, “pero sumakit yung paa ko pagpasok ko sa kwarto ko kaya nakalimutan ko.” Hinawakan ko yung paa ko para ipakita ‘yon sa kanya, pero ‘di n’ya rin ‘to tinanggap.
“Stef, importanteng dapat naaasahan ka namin ng papa mo habang wala kami.”
“Mom, alam ko,” sabi ko. “Pero wala talagang namamagitan sa ‘min ni Rence. Promise.” Kumunot yung mga mata niya at tiningnan ako nang nagdadalawang-isip. Hindi ako makapaniwala rito. Iniisip ni mom na pinapunta ko rito si Rence para makapag-make out kami habang wala siya sa bahay. Bakit ba napakadali para kay mom na isiping meron akong boyfriend, yet sobrang effort at confusion na ang napagdaanan ko para lang paniwalain yung ibang tao na meron akong fake boyfriend? “’Di ba sabi mo nu’ng isang gabi, maganda yung ginawa ko?”
“Pero hindi nun mababago yung katotohanang hindi ka dapat nagpapunta rito ng kaibigan mo habang wala kami ng papa mo.”
“Tama ka,” tumatangong sabi ko. “Tama po kayo. Kaya hindi na ‘to mauulit kahit kailan. At sorry po na nasira ko yung tiwala n’yo.” Sabi ni Dr. Phil, kailangan daw maging responsable ang mga kabataan sa lahat ng ginagawa nila at humingi ng tawad sa mga nagawa nilang mali. Hindi kalaban ang mga magulang.
“Stefanie, hindi ‘to gano’n kadali,” sabi ni mom. Hindi ako sure kung yung pagsiset ba ng mga boundaries ay maganda sa parent-child relationship namin. Lalo na’t pinapahamak ako nun sa mga bagay na ‘di ko naman ginawa. Besides, nitong summer, no’ng si mom ay boundary-less pa, less-complicated ang buhay ko, at nagkaroon pa ‘ko ng mas cute na mga sapatos. “Kailangan mong maparusahan dahil dito.”
“Mom! Please, an’daya naman nito!” Nakakatawa ‘to. Paparusahan niya ‘ko nang wala ‘kong ginagawa? “Gumagawa lang kami ng schoolwork!”
“Wala ‘kong paki,” sabi niya, na tumayo mula sa couch. Nagcross-arms siya at humakbang ng back and forth sa harap ko. “Kung gagawa lang kayo ng homework niyo, ba’t ‘di mo sa ‘kin sinabi bago kami umalis?”
BINABASA MO ANG
A Liar's Identity
FanfictionSabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang...