Nang sumunod na umaga bago ang homeroom, hinintay ko ulit si Ella sa locker niya. Wala akong idea kung bakit ‘di siya pumasok kahapon. Hindi ko siya matawagan kagabi dahil grounded ako sa phone, at ‘di ko rin siya ma-IM dahil grounded din ako sa computer.
Bigla akong nakaramdam ng sense of relief nang makita ko siyang naglalakad sa hallway, habang tumatalbug-talbog pa yung blue niyang backpack sa balikat niya.
“Hi,” sabi niya pagkakita niya sa akin.
“Hi,” sabi ko, na hindi sure kung ano’ng gagawin ko. I mean, binabaan kasi ako ni Ella nu’ng huling beses na nagkausap kami.
“Galit ka pa rin ba sa ‘kin?” tanong ko.
“Depende ‘yan sa kung ano’ng ibig mong sabihin sa galit,” sabi niya. Inikot niya yung dial sa locker niya at pinalit yung mga libro sa bag niya sa mga librong kakailanganin niya ngayong umaga.
“Galit, I mean makikipag-usap ka ba sa ‘kin, asar ka ba sa ‘kin, ‘di mo ba ‘ko papansinin?”
“Obvious namang kinakausap kita. Nag-uusap tayo ngayon.” Tuloy lang siya sa pagkuha ng mga libro niya at hindi man lang tumingin sa ‘kin.
“Okaaay,” sabi ko. “Um, ito na yung notebook.” Inabot ko sa kanya yung notebook namin. Magdamag ko ‘tong sinulatan kagabi ng isang mahabang note tungkol sa kung ga’no ko siya na-miss, at na kahit na hindi na kami madalas maghang out nitong huli, best friend ko pa rin siya. Kinuha niya yung notebook at pinasok ito sa bag niya nang wala man lang sinasabi. Okaaay. “So, um, sa’n ka kahapon?” sinubukan ko.
“Para namang may paki ka,” pagsingal niya.
“Syempre naman!” sabi ko. “Kanina pa nga kita hinihintay rito eh. Tsaka nagplano nga rin ako ng mga lobo at kung anu-ano pa.” Pinagdudahan niya ‘ko. Crap. Ngayon ko pala dapat ginawa yung BFF locker, pero malay ko ba kung papasok si Ella o hindi. Tsaka kahapon kasi, dagdag pasakit sa ‘kin ang kaladkarin lahat ng gamit, tapos napunit pa yung mga signs, at nasira yung mga lobo.
“Kung may paki ka sa ‘kin, ba’t ‘di mo man lang ako tinawagan kagabi para alamin kung nasa’n ako?”
“Kasi grounded ako sa phone, sa computer, at sa paglabas.”
Sumimangot si Ella. “Ba’t naman?”
“Nagkagulo kasi,” sabi ko. “No’ng isang gabi, dumating si mom habang inaalagaan ko si Trixie. Eh nando’n si Rence. Kaya ayun, nagfreak out siya at sabi niya grounded daw ako sa lahat. Nakakatawa ‘di ba, kasi hindi ko naman yun kasalanan. Malay ko bang darating si Rence.” Bigla kong narealize kung ga’no ko na-miss si Ella. Hindi ko na kasi kailangang gamitin yung Tiffanie voice ko ‘pag nand’yan siya. Hindi ko na kailangang magkunwari, o isipin yung lahat ng kasinungalingang nasabi ko bago ang lahat ng ‘to. Nagiging ako ako. “Ella, miss na miss na talaga kita,” sabi ko. “Sorry kung napabayaan ko yung pagkakaibigan natin nitong huli.” Feeling ko biglang bumagsak yung sikmura ko.
Ito na dapat yung part kung saan maiintindihan ako ni Ella, yayakapin niya ‘ko, at maglalakad kami sa hall nang magkasama, habang nagbubulungan at nagtatawanan. Yun kasi yung nangyayari sa mga movies. Tapos darating yung credits—do’n na matatapos yung movie, bago pa may mangyaring masama ulit, isang perfect moment ang kukumbinsi sa mga audience na okay na ang lahat at mananatili na yun nang gano’n.
Instead, pahampas na sinara ni Ella yung locker niya at tumingin sa akin. “Eh bakit ‘di mo sa ‘kin sinabi yung totoong dahilan kung bakit ka tumira sa lola mo nitong summer?”
BINABASA MO ANG
A Liar's Identity
FanfikceSabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang...