Ni hindi man lang ako nagkaroon ng extra chocolate hot chocolate ko. Kinailangan ko kasing dumiretso agad sa kwarto ko. At kinailangan ding lagyan ni mom ng password yung computer ko, dahil grounded ako do’n, so wala na ‘kong ibang magawa kundi ang maupo at pag-isipan kung ga’no na ba kagulo ang lahat. At kung bakit galit sa ‘kin si mom. Hindi ba dapat minamahal ka ng parents mo, unconditionally? Hinagis ko yung sarili ko sa kama at saglit na umiyak, tsaka ako nag-decide na oras na para gumawa ng damage control. Yung totoong damage control. At wala nang biro.
Nang sumunod na umaga, pumasok ako sa school nang maaga at nag-decorate ako sa locker ni Ella ng HAPPY BFF DAY signs ko. Dinikitan ko ‘to ng mga bandereta, ng mga balloons, ng mga signs at stickers. At pagpasok niya sa school, imbis na maexcite siya, ay tiningnan niya lang ito at nagsabing, “Ano ‘yan?”
“Happy BFF day!” sigaw ko. “Alam kong maraming weird na bagay ang nangyari sa ‘tin lately, at gusto ko lang sabihin sa ‘yo na sorry.”
Tiningnan ako ni Ella. Tapos tiningnan niya yung locker niya. At tiningnan niya ulit ako. Tinabi niya yung mga lobo paalis sa daan niya at tahimik niyang inikot yung combination dial niya. Sumubok ako ng ibang taktika. “So, makinig ka, technically grounded ako, pero gusto mong mag-lunch sa library? Nang tayong dalawa lang? Do’n tayo kain tapos pag-usapan na rin natin do’n yung mga nangyari nitong linggo.”
“Tingin mo ba gano’n lang yun kadali, Stef?” Umiling siya. “Tingin mo ba ‘pag naglagay ka ng mga lobo sa locker ko, okay na ang lahat?” Hinampas niya pasara yung locker niya.
“Hindi,” sabi ko. “Syempre hindi. Pero naisip ko lang kasi na kung pag-uusapan natin yun, baka sakaling maayos natin. ‘Di ba—”
“An’laki ng tinago mo sa ‘king sikreto, Stef. Eh ‘di ba best friends tayo? Ano kayang mararamdaman mo ‘pag ginawa ko yun sa ‘yo?”
Feeling ko nag-evaporate yung good mood ko. Tama siya. Kung muntik nang maghiwalay yung parents ni Ella at sinikreto niya yun sa ‘kin, magagalit din ako. “Magagalit din,” sabi ko.
“Tama,” mahinang pagkakasabi niya. “Tama ka. Kaya hindi solusyon yung mga lobo at kung anu-ano do’n. Pero salamat na rin.”
“Tiffanie!” tawag ni Claire, na nagmamadaling lumapit sa akin. Oh, God. Ba’t ngayon niya pa napiling magpakita? “Sobrang sama ng umaga ko.” Ang gulo ng buhok niya, at parang namamaga yung mga mata niya sa kaiiyak. Yeah. Sumali na rin yata siya sa club ko.
“Bakit? Ano ba’ng nangyari?”
“Si Neil tsaka si Chelsea,” sabi niya, at kinagat niya ang labi niya. Tumingin siya kay Ella, at masasabi kong ayaw niyang marinig ni Ella kung ano’ng nangyayari.
“Claire, makinig ka,” sabi ko, na huminga nang malalim. “Pwede bang mamaya na natin ‘yan pag-usapan? Magkita na lang tayo sa locker in one minute. Kailangan ko pa kasing—”
“Hindi, okay lang,” sabi ni Ella. “Aalis na rin naman ako.” Tapos naglakad siya paalis. Crap.
“Tiffanie,” pag-uulit ni Claire. “Pinagkakalat ni Chelsea na alam ko raw na may gusto na nga siya kay Neil, pero hinahabol ko pa rin si Neil.”
“Nababaliw na ba siya?” sabi ko. “Alam mo, sawang-sawa na talaga ako d’yan sa mga kalokohan ni Chelsea. Besides, ‘kala ko ba may gusto siya kay Rence?” Nakaramdam ako nang pagkaweird nang banggitin ko yung pangalan niya. Naalala ko yung mukha niya kahapon nang makita niya yung nakasulat sa notebook ko, at bumaliktad yung sikmura ko.
BINABASA MO ANG
A Liar's Identity
FanfictionSabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang...